11.17.2012

Alas Kwatro

11.17.2012

Alas Kwatro


Alas kwatro na nang madaling, araw gising parin si Bebang Malahimuyak. Abalang abala sa ginagawang presentasyon na gagawin niya para sa mga estudyante. Humihigop sa kaping lumamig na at pang pitong refill, habang may nakasubong skyflakes sa bibig na naninikit na sa labi dahil kalahating oras na yatang nakaipit. At paminsan minsan ay parang buang na bigla nalamang tatawa... oo.. tatawa hindi ngiti... TAWA.  Pero hindi mo masisise, lahat na nang laman ng utak niya...talino, depresyon,stress,bitterness nasa my Documents na, ang natira nalang sa kanya ay ang kakahayang mag enjoy.

Alasingko na nang matapos ang dalaga, isang matinding unat, at lagutukan ng mga buto na nagbigay sa kanya ng panandaliang sarap.  Tinignan niya ang wallclock, dahil hindi makapaniwala sa nakita sa computer,huling check niya kasi ay alas dos palang.  Tumayo siya at dumeretso sa kama, pero hindi para humiga at pakinggan ang inbitasyon sa kaharian ng panaginip. Kundi para kunin ang twalyang nakasampay sa may bintana. Wala nang tulog tulog, sa pamamagitan ng  natitirang lakas, na gumagamit ng excitement sa presentasyon bilang gasulina, ay nagkaroon ng buhay ang kaninang robot. Nagligo, para makaskas ang namuong pinagsamang mantika at alikabok sa katawan. Nagsipilyo para basain at sugpuin ang tagtuyot sa bunganga. At sa loob na isang oras at sa tulong ng isang boteng pulbos, ang manikang bato, ay nagkaroon ng buhay, nag mukhang tao, nag mukhang dalagang naayon sa edad niya. Salamat  nalang nsa nag imbento ng make-up at tabo.

Nalate nang dating sa school si Bebang Malahimuyak,at wala siyang pwedeng pasalamatan kundi ang jeep at taxi driver na inuuna ang pagtatalo kung sino ang unang lumiko kesa sa igilid muna ang mga gasgasadong sasakyan na nasa gitna ng kalye. Yun yata talaga ang uso satin kulang nalang lagyan ng plakard na “Bawal dumaan ang sasakyan dito may nag aaway”. Nakatayo na ang mga estudyante sa kwadrangel,  at nag hahanda na sa ritual nila tuwing umaga. Matapos mag time in ay tinakbo na agad ng hinihingal na guro palabas sa playground at tumabi sa co-teacher,inilagay ang kamay sa dibdib at sumabay sa pagawit “.....nang mamatay ng dahil sayo tentenen”.  Hindi pa niya naiibaba ang kanyang kanang kamay ay, may pa buena mano agad. Dalawang dalaginding, isang bayang magiliw lang ang kinanta eh may nasagap agad na tsismax. Agad umalis ng formation si teacher Malahimuyak at kinalabit ang mas malaking dalagita, “quiet muna po tayo”. Ang sabi ng mahinhing  guro.  Ngumiti lamang ang dalawang estudyante, at tumahimik. Pagkasita ay bumalik na si Bebang Malahimuyak sa kanyang position, ngunit hindi pa nakakalayo ay may nakinig siyang boses ng matalim na hangin,na parang panang  dumiretso sa  butas butas na niyang puso.  “ayan nagalit si snow white” (dahil medyo makapal ang kanyang pulbos/foundation)

Natapos ang Ceremony, isa isang section ang umakyat ng classrooms nila, in order mula sa nasa pinakamataas na floor hanngang sa pinaka mababa.  Ang unang clase ni teacher B.M. sa second floor, kaya nagkaroon siya ng kakarampot na oras para makapag pahinga, makapag kolekta ng oxygen,at retach na nang puting putik sa mukha dahil sa pawis. Sa wakas nakarating na ang guro kasabay ang kanyang unang section sa klasroom, binigyan ni teacher Bebang ang estudyante na makapag prepare prepare, habang siya ay hinahanda ang power point presentation.  

Excited na excited na ang guro na mag umpisa, nais niya kasi makita ang reaction ng mga bata sa hinanda niyang presentasyon. “ok class, tahimik na po tayo” ang pakiusap ng guro. Walang uminda, lahat kanya kanyang kwentuhan, lahat kanya kanyang kamustahan tungkol sa sabado at linggo nila, ung iba nagkwekwentuhan agad tungkol sa sineng pinanood,  ang secretong magsyotang obyus, nasa sulok nag lalampungan. Bumuntong hininga ang guro, at muling pinatahimik ang mga estudyante. Nakinig ito ng mga nag tatalinuhang estudyanteng nakaupo sa likod, kaya ang pakiusap ng guro umeko sa mas maingay at matining na boses. At onti onting nabawasan ang kwentuhan sa classroom habang dumadaming “SHHHH...” ang umalingasaw sa classroom. Masaya ang guro dahil sa wakas nasa kanya na  ang attensyon, pero nabagabag dahil alam niyang hindi siya ang nang agaw.

Sinimulan na niya ang presentasyon, naging masaya ang diskasyon, lalo na sa mga active sa harapan.  Mga tawanan sa mga supresang  inihandog ng guro, siningitan niya kasi ng mga “meme” ang kanyang presentasyon, un daw kasi ang uso sa kabataan ngayon. May mga nag rerecite,kahit ang tamis ng pagiibigan at lampungan ng magkasintahan ay walang laban sa powerpoint ng guro, at  ang mga hindi nabiyayaan ng talino, nasalikod tumatawa sa bawat sisingit ng joke. Yun lang ok na, kasi alam ni Bebang na nasunod sa topic ang mga estudyante. Gumaan ang pakiramdam ng guro, dinaig pa ang sampung oras na tulog na kailangan niya. At sa mga oras na yon feeling niya siya na si sleeping beauty, at ineenjoy ang panaginip.

Hindi napansin ng mga estudyante ang pag dating ng Recess, dahil nasulit nila ang bawat pahinang handong sa kanila ng kanilang guro. Sinuklian si bebang ng kanyang estudyante ng isang tawanan na may halong palakpakan, hindi nila alam “tip” nalang yun dahil busog nabusog na ang titser sa partisepasyon nila. Dumeretso sa faculty room si Malahimuyak, nag bukas ng baong instant noodles at nilagyan ng mainit natubig pagkatapos ay nag hintay ng 3minutes. Pero kahit ang break time ay para lamang sa mga estudyante, dahil inilabas niya ang mga quiz papers na hindi niya nagawang tsekan sa bahay.  Kaya hawak ang ballpen sa kanang kamay at ang cup noodles sa tabi, ay  muli niyang ginampanan ang kanyang tungkulin, ang siguraduhing nag aaral ang mga bata.

TANGhalian na! Sigaw ng isang gurong pumasok sa faculty room, parang prophetang nagbigay ng mabuting salita ang naidulot. Sabay sabay ang mga titser na nag tinginan sa kanikanilang relo, iba sa wall clock, ang iba ay sa co-worker na namigay ng pangakong mang lilibre. Iniligpit muna ni bebang ang kanyang tsinetsekan na infinite number of items, at nag mamadaling tumindig at dumeretso sa canteen kasama ang ibang mga guro. Sabay sabay silang naglakad papuntang kainan, at bawat estudyanteng madadaanan ay hahandugan sila ng ngiti at babatiin ng “Hello po”.  Kanya kanyang order ng ulam ang nag tatawanan at to chismaxan ng mga guro. Burger steak w/ gravy(ang sikat na gravy na hango daw sa tunay na ingridients na gamit sa jabi, kalasa kasi) ang napili ni Bebang,may kasamang  rice, ICEtea na 95% ng baso ay yelo na kailangan niya pang hintaying matunaw para mainom. Sabaw ng pinaglagaan ng baboy na may bonus na maliit na taba, at candy dahil walang panukli. At sa halagang 34 pesos, naexperience niya na ang pagkain sa Jolibee. Ayos, na yun kesa sa orig, dahil mas marami ang kanin, mas malaki ang burger at malamig pa ang ICE tea!. Higit sa lahat, MURA! Dahil kuripot ang nakuhang propesyon ni Bebang, pinag damutan kasi sila ng gobyerno, kaya ang props na gagamitin nila ay pitas sa naglalagas na puno ng salapi.At ang natitirang perang para sa kanila, pinagbayad na nang koryente. (Kaya binabawi kona ang trash talk ko sa dati kong mga guro, na kami pa ang mag dadala ng sariling papel na gagamitin sa pagsusulit). 

Last Subject at section na ni Ms. Malahimuyak, at excited siya na magsaya muli kasama ang mga estudyante niya. Pagpasok niya sa classroom ay nakita niya na bakas na sa mukha ng mga estudyante ang zombie apocalypse, dahil sa mga pagod at nananabik sa uwian, last subject na kasi. Nag mamadaling  mag set-up ng powerpoint si Bebang, late na kasi siya ng 5 minutes dahil napaidlip sa faculty room buti nalang may bumahing sa katabing table kaya nagising. “Mam wag na tayo mag lesson mag pahinga na po tayo!” hirit ng mga estudyante niya, na tila inaantok na dahil buong araw na daw silang ng aaral. May nag paawa pa na alasdose na daw ng madaling araw siya nakatulog dahil galing sa birthdayan ng barkada. At ang iba’y nananahimik nalang sa isang sulok at humihimbing na. Pero puno na ng kalyo ang puso ni Teacher Bebang hindi pinansin ang kalunos lunos na reklamo ng kanyang estudyante, at nag umpisa paring magturo. Pero patuloy parin nag mamakaawa ang estudyante, buti nalang may allies si Titser sa  front row ng klase at sila ang taga “shh...”. Nangati ang tenga ni Bebang, bumigat ang paghinga. Nagbabadang puputok ang bulkang pinaghalo halong, stress,pagod, puyat. Pinilit niyang i relax ang sarili, ngunit hindi napigilang lumabas ang mga salita sa kanyang bibig “ Ako nga wala pang tulog mula pa nung Friday eh” ... controladong mahinhin na sinabi niya sa esudyante niya. Pero hindi tumalab hiniritan lalo siya na mag pahinga. Pero hindi pwede, the show must go on ika nga, at muli inumpisahan niya ang presentasyon kahit nababakas na sa kanyang boses ang panghihina. Nilaksan na laman niya ang kanyang boses nang may nakinig siya sa likod na “ang kj naman ni snowwhite”

Kabaliktaran ng inaasahan at hinihintay na klase ni Titser ngayon, dahil ngayon siya nalang ang nag sasalita, walang nag rerecite maliban sa mga walang pagod na mga batang nais talagang mag aral na nagsama sama sa front row.  Ang iba pasimpleng nag dadaldalan sa  likod, ang iba naman ay nagtatago sa nakaangat na libro para umidlip. Meron ding naka tulala na tila natutulog na dilat na. Kaya ang pilit na ngiti ng guro na para sa pag tatangkang gisingin ang klase, ay tila icecream na nabilad sa araw, onti onting natutunaw ang tamis. Bumuntong hinganalaman ang dalagang guro at inisip...
 “bakit ito ang pinili kong trabaho.....”
“bakit ako nandito....”
“..... mahal ko ba talaga ang trabaho ko,bakit parang hindi naman ako masaya”

Tinignan niya ang grupo ng kabataang nasa harap niya, namay kanya kanyang mundo......

“dahil sa kanila, gusto kong mag silbeng lupa sa punong itatanim palang nila, punong lalaking matibay   
at makikipag sabayan sa lakas ng hanging ibabato sa kanila ng mundo, punong balang araw ay 
mamumunga at ipapamahagi ang prutas sa susunod na henerasyon. “

Nagkaroon na rin ng munting mundo si Bebang, nang inilibot ang tingin sa classroom...

“dahil dito... sa classroom na to,  maiibigay ko ang KAILANGAN ng mga batang to..., kahit na ang 
katumbas noon ay masabahing “KJ” dahil hindi ko ibinibigay ang mga GUSTO nila. Dahil dito sa 
classroom na to ay ang natitirang sukob nila sa ulang asido na lumalapnos sa katauhan nila. dito nila 
matutunan ang paghawak ng payong na proprotekta sa kanila, at higit sa lahat, ako ang magtuturo sa 
kanila....

Muling tinitigan ni Malahimuyak ang presentasyon....

“oo, hindi ko na mahal ang trabaho ko, kaya siguro napapagod na ako.Sino ba naman ang mag 
mamahal sa trabaho ko, kapiranggot ang sweldo minus gastos pa para sa gagamitin ko sa klase, at 
halos 8 (+16) hours na working time without pay, magpapamalfunction ng bodyclock ko, kya bente 
anyos palang eh mukhang kalaban na nila cinderella.  Pero walang magagawa dahil ang minahal ko 
ay ang mga  batang nakasama ko sa trabaho ko, mga batang makukulit, mga pilya at matitigas sa ulo 
na nagiging rason sa maagang pagkulubot ng balat ko, at makapal na make up. Malas lang, nakatali 
na ang puso ko sa kanila. Isang pag mamahal na dapat iniiwanan ko lang sa bahay dahil,ang 
pagmamahal ko sa kanila ang nagpapahirap na pagalitan sila,ang tumanggi sa mga luho nila, at ang 
pagmamahal na yan ang nagsisilbeng mabigat na bato na nakapatong sa espadang tatarak sa puso 
ko, sa tuwing sasabihan ako ng hindi maganda.Pero, Masaya ba ako?.. oo, dahil alam ko ganito man 
sila ngayon darating ang panahon na tatanda ang mga ito, magkakaisip, mag mamature at 
makakarating sa nais nilang marating, at kahit sa loob ng lng sampung minuto ng buhay nila,alam ko 
masasabi nilang: haha si mam snowhite nag turo sakin nito...”

Parang rosas na namulaklak ang ngiti ni Bebang, nagka split personallity na yata. Dahil tila nagtalo, 
ang napapagod at ang nagmamahal. At  kumbinsi niya ang kanyang sarili na muling ngumiti...

               “Uhm mam?” Umistorbo ang isang bata sa front row sa pa kikipag usap sa sarili ni Bebang,at 
nakuha ang pansin ng guro. Hindi nag salita ang estudyante pero nilingon niya ang mga ibang sectiong naglalabasan na nang classroom.... 


“ay anong oras na class?” tinanong niya sa kanyang klase, nang napansing niyang huminto sa alas dos ang kanya relo. 


Parang Ending ng plants versus zombies na nagkaron nang buhay ang mga estudyante. May sumisigaw pa nga ng “yes!” . Biglang umingay,natawanan,nagkaroon muna ng buhay..at sa likod may sumgaw,” MAM ALAS KWATRO!”

9.07.2012

Sardinas

9.07.2012
"Isdang TANGA" 

       Yan ang tawag ng ibang matatanda sa sardina, tinanong ko kung bakit..... ang sagot nila:

 Sino ang ang may matinong utak na makikipag siksikan sa isang punong lata, para lamang ikulong at di magtatagal ay kakainin din.

Oo nga naman, bakit nga namang pinag pilitan pa nila ang sarili nila sa isang masikip na lata. Bakit, pilit nilang ipagsasaksakan nila ang sarili sa latang, hindi nia siya kailangan. Bakit isusugal ang sarili kapahamakan, para lang sa kakaunting espasyo pasa sa kanila......

....siguro... siguro lamang.... malungkot sa labas... at handa niyang itapon ang kalayaan para lamang magkaroon ng kasama....

...siguro...dahil sa loob lamang ng lata, mag kakaroon ng pagkakataon ang mga isdang tanga na mapalapit sa isat isa... at doon lang sulit na ang nalalabing oras nila. 

.... at sa maliit na lata na yun, nabubuo ang maliit na mundong, hawak nila ang o kadikit, ang bagay na kailangan laman nila, bagay na un lang, ok na. 

.....kaya bakit isdang tanga? dahil pinili nilang iwan ang utak(at ulo) sa labas ng lata, para lamang makasama sa maliit na silid ang nais nilang makapiling..... dahil sa loob ng lata, ang ilusyong hindi sila makakapaghiwalay.... ang ilusyong walang problema... na hinaharangan lang pala ng stainless na lata.... na balang araw sa pagdating ng panahon, ay mabubuksan din sila, at paghihiwalayin ng simpleng tinidor.....

Pero ang oras nila sa loob ng lata.... WORTH it.... kahit ano pa man ang napagdaanan pag pasok... o kung ano man ang kapalarang hinaharap....

8.24.2012

Panaginip

8.24.2012


Nanaginip ako kagabe, matindi... Life changing.....

kwento ko...



               Walang pangalan sa panaginip ko kaya ako nalang ang gagawa....




                          *tiktilaoooook* Malakas na ingay nanag mula sa labas ng bintana ni Briandor(Medieval version ng Brian :D ) . Maingay ang nagawang pang gising ni teenhola ang alaga niyang manok. Parang gunting na pumupunit sa kanyang tenga. Dahan dahan minulat ni Briandor ang kanyang mata sa kung saan ay hindi siya nahirapa, dahil wala pang liwanag na sisilaw sa kanya. Pero, para sa isang magsasaka, normal na ang ganong oras na gising. Agad agad siyang bumangon, at walang hilahilamos na lumabas ng kanyang munting kubo. Pero sa halip na, mag linis ng tae ng mga alagang baboy, ay inakyat niya muna ang puno na nasa likod ng kanyang bahay. Mula pagkabata ay ginagawa na niya yuon  at nakalakihan. Doon niya hihintayin ang unang silip ng araw. Dahan dahang nalalaho ang mga bituwing nag pipilit mag bigay liwanag sa sa dilim ng gabi, at ang lamig ay sinimulang hagurin ng init ng araw. Isang malaking hikab ang ginawa ni Briandor at agad bumaba mula sa puno... Oras nang mag trabaho, pinakain si Sisiginia, ang alagang baboy, at si Teenhola. Dati, meron siyang mga tanim na kamote, ngunit inihinto niya ang pag tatanim nito. At pinaltan ng Wish Flower, nakung saan pinag tatawanan ng kapit bahay dahil, sayang daw sa lupa.

        Tapos na ang tanghalian nang mag handa si Briandor para mag lakad sa gubat. Nang nakapag handa na'y lumabas na siya ng kanyang kubo, tumingala siya sa langit, at napansin na nawawala ang araw... nag tatago sa makakapal na ulap na nag dadala ng isang matinding ulan. Pero hindi siya ng papigil, sa kabila ng lumalamig at lumalakas na hangin. Nakakantyawan siya ng mga nadaanan, pinag tatawanan. "ayan nanaman si brian mang huhuli nanaman ng kuneho!" sabay ang malakas ang tawanan. Pero nilingon niya lang at sumigaw "pag uwi ko may huli na ako, at hindi ko ibebenta sa inyo!".Na sinagot ng masmalakas na tawanan.  Nanaubos ang populasyon ng kuneho noon, dahil na rin sa mga namumuhay na mas delikadong hayop na naninirahan doon, kaya kung sino man ang makahuli ng kuneho, ay siguradong mag babago ang pamumuhay, dahil napaka mahal ng halaga nito. Onti onting humuhina ang tawanan, habang lumalayo si briandor at dahang dahang naglalaho sa bunganga ng kakahuyan. Tanggap na ni briandor na hindi magiging madaling mag hanap noop, kaya namiitas siya ng prutas, gulay at kabute na nadadaanan para may maibenta. Kabisado naniya ang gubat. alam niya kung pano iiwasan ang mga hayop na naghahanap ng naliligaw sa teritoryo nila para gawing hapunan. Bumuhos ang malakas na ulan, pero hindi natinag ang binata sa pangongolekta ng prutas at pag hahanap ng "kayamanan". Hanggang sa nakaramdam siya ng matinding pag kaantok. Pilit niyang nilabanan na hindi mapapikit, pero mas lalong bumibigat at talukap ng kanyang mga mata, lahat ng paraan ginawa niya para lang mapaglipasan ng antok, Ngunit nananaig ang pagod. Nag hanap siya ng mataas na puno, at inakyat ito. Maganda ang pwesto, mataas para hindi maabot ng mga gutom na nakakaamoy ng pagkain, malaki ang sanga para may mapag upuan, at makapal ang mga dahon, na magsisilbeng sukob niya sa hindi humuhupay na ulan. At sa wakas, pinag bigyan na niya na mag pahinga ang kanyang katawan.

             Nakabalik na ang sikat ng araw, nang magising na si Briandor. dahan dahang bumaba sa puno. Naalala niya ang  mataas na bangin sa isang parte ng gubat, at nagmadaling tumakbo para puntahan. Bumalik na ang lakas ni Briandor, kaya hindi na niya kinaelangan ng huminto at mag pahinga. Nakarating siya sa matarik na bangin. Maganda ang lugar, dahil siya ay nasa kanto na nang bundok. at kitang kita ang mas makapal na gubat sa baba nito. Pero hindi yun ang kanyang pinakay, tumingala siya at hinanap ang araw. at matapos ang malalim na pag iisip. nalaman niya at sandaliang kinagulat. Alam niyang matagal ang kanyang ikinatulog, pero ang araw ay nasa parehong pwesto,  nung bago siya umalis ng bahay, at bago takpan ng ulap. Ibig sabihin, isang araw siyang nakatulog... matagal siyang nagisip kung bakitnangyari, pero parang may malakas na hanging bumulong sa kanya, si teehnola hindi pa kumakain. Kaya agad agad, siyang umuwi. Sa kanyang pag takbo pauwi ay nahinto siya sa lugar kung saan siya natulog. Nagpalingon lingon na tila may hinahanap, nakailang ikot siya ng ulo, nang huminto ang kanyang attensiyon sa isang malaking kabute, singlake ng kanyang ulo. Ngumiti siya, at umileng. at dahan dahan niyang pinitas yoon. At nag lakad nang pauwi, nandun narin naman siya kaya naisipan na niyang dagdagan ang pamimitas.

         Nag didilim na nang nakarating siya sa bayan. Dumeretso sa paborito niyang pwesto para pag tindahan. Sa parke, sa ilalim ng puno ng Seresa (imagine nio nalang cherry blossom tree). yun lang kasi ang nag iisang ganong puno sa bayan na yun, at nag iisang punong merong duyan. Inilatag niya ang paninda at nag hintay ng mamimili.  Mabili ang paninda ni Briandor, ubos agad, kaya maaga siyang nag ligpit. Patapos na  siya sa pag hahanda para umuwi nang natanaw niya si Pusopina (Heart :D). Kaya pasimpleng, nag dahan dahan sa pag aayos si Briandor. Tahimik lamang nag lalakad si Pusopina, na dumiretso at umupo sa duyan tila may malalim na iniisip. Natapos sa pag liligpit si Briandor at lumapit kay Pusopina, tumayo siya sa likod ng dalaga, at hinawakan ang tali ng duyan. At dahan dahang itinulak. Matagal nang mag kakilala si Pusopina at si Brian, mula pag kabata. Kaya sa malayo palang alam na ni Briandor na may bumabagabag sa kanyang kaibigan. Bumuntong hininga si Pusopina, habng si Briandor ay walang kasalisalitang tinutulak ang duyan.

              "Aalis na siya....."

         Ang nag iisang sinabi ni Pusopina, bago nag umpisang tumulo ang luha, yumuko lamang siya at pinilit na pinatatahimik ang bawat pag hibi ng labi. Hindi nag salita si Briandor, hindi niya alam ang sasabihin, hindi alam ang gagawin. Nais niyang patahanin ang kaibigan ngunit, hindi niya alam kung paano.

    Si Kulas (wala n po ako maisip n name), kaibigan ni Pusopina, at lihim na iniibig. Myembro ng kabalyero, nang naligaw sa lugar nila. Ang natitira sa hukbong inatas ng haring mag ligtas sa Prinsesa, sa kamay ng isang dragon na nag babantay sa kulungan ng prinsesa. Napadpad mga anim naput apat na pagsikat ng araw at pag silip ng gabi na nakakalipas(64 days :D) . Sugatan, at nanghihina, at ang mga kasamay mga nagsipanay sa may ng dragon. Si pusopina ang naatasan ng taong bayan para mag alaga sa kabalyero, siya lang kasi ang may alam sa pag gagamot. Kaya mula nang naligaw ang kabalyero at siya na ang kasama hanggang sa paggaling. Innosente sa mundo si pusopina, nahulog agad ang puso ng dalaga sa kabalyero. Pero ni minsan ay hindi inamin dahil sa takot na baka masaktan lamang. Kaya sa pag aalaga nalamang niya ibinuhos ang nararamdaman. At ngayong magaling na ang kabalyero ay desidido siyang tapusin ang misyon, kaya nag hahanda na. Tinatangkang pigilan ni Pusopina si Kulas na huwag nang tumuloy at manatili nalang sa piling niya pero, manhid pa sa natamong mga sugat si kulas, at hindi napapansin ang nagmamakaawang dalaga.

           "Tahan na....."

          Pilit na isiningit ni Briandor sa  pag iyak ni Pusopina, pero puso ang umiiyak, bagay na hindi makakausap maliban lang kung tutulungan ng utak....

             "Hihinto lang ako kapag nasa tabi ko na siya....at kailan ma'y hindi na lilisan"


           Inihinto ni Briandor ang pag duyan, at di nagtagal napansin ng dalaga, at sa pag kakayuko'y napaharap sa dilim, isang imahe na dahan dahang iniluluwa ng kadiliman ng gabi. Si kulas, na pinaghahanap ang dalaga...Agad na nag punas ng luha si Pusopina, at tumayo. At hinandugan ng mas maikling distansya sa pamamagitan ng pagsalubong sa kanya. Habang si Briandor, tahimik na nanonood sa malayo, at naghihintay nalumingon sa kanya si pusopina. At sawakas, nilingon siya ng dalaga, handog ang isang ngiting, nalalayo sa kanina lamang ay walang hupa ang luha, At sabay nanawala sa dilim ang dalawa, at si Briandor, naiwan sa pag hinto ng oras, at pilit na pinatatagal sa isip ang nakitang ngiti.

          Muling umandar ang oras niya, at tuluyan nang umuwi sa kubo, dala ang sinabi ng kanyang kaibigan...
At dahan dahang ipinikit ang kanyang mata....

*tiktilaaaaaaaaoooook* Pang gising na sigaw ni Teehnolah, Pero ang kama ni Briandor ay wala nang laman. At ang may ari'y andun na sa taas ng paboritong puno. Ninais niyang mag tagal duon, ngunit bumaba agad siya, at inumpisahan gawin ang bawat gawin, pinakain si teehnolah at si Sisiginia, nag dilig nang halaman, at inilagay ang mga kailangang gamit sa kanyang tampipi. At bago palaman na sumisikat ang araw ay umalis na agad siya. Lumabas siya ng bahay dala ang  isang tumpok ng halamang gamot. Na dinala niya at inilapag sa pintuan ni Pusopina. Isang pabor, para sa kaibigan, na ipaghahanap niya ng halamang gamot para sa nag papagaling na kabalyero. Pag kahatid ay tuluyan na niyang tinahak ang papuntang kakahuyan.

"ang aga natin para sa pangangaso ng panaginip ah HAHAHAH". kantyaw sa kanya ng mga suking kapitbahay, na sinagot lamang niya ng isang ngiti.

         Muli ay namitas siya ng ibat ibang halaman at kabute. Pero ang araw araw na niyang gawain ay nagbago nang nag ibang daan ang kanyang tinahak, onti onti, ang mga punong dinadaanan ay onti onting umoonte. at habang lumalayo ang berdeng kulay ng mga buhay na puno ay nagiging itim, na tila ay nawalan n ng buhay. Hanggang sa siya'y makarating sa itim na disyerto, lugar kung saan nakatayo ang isang mataas na tore. Tore na kung saan namamalagi ang dragon, at ang kulungan ng prinsesa.

       Pumikit sandali si Briandor, para labanan ang utak dahil pilit siyang kinukumbinsing umuwi. Sa halip ay siya ay nag dalwang isip lamang, dahil sumagot ang puso, at pinaalala kung bakit siya nandodoon. Huminga nang malalim Si Briandor at nag lakad patungo sa lugar ng kamatayan.

     Nakarating si Briandor sa harap na pultahan ng Tore. Iba ang lamig doon, tila may dalang karayom ang hangin na isaisang tumutusok sa balat. Itinulak niya ang pultahan, na gumawa ng kagilagilabot na ingay, na kumalat sa hangin. Hindi niya nagawang buksan ng buo pero sapat na para siya'y mag kasaya. dahan dahan niyang pinasok ang yard, at tuminding ang balahibo nang makita niya ang nasaharapan. Libo libong bangkay ang nakalibot sa tore. Na nag lalabas ng matinding alingasaw. Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at prinotektahan ang bibig at ilong laban sa amoy na nag iibita sa kanya sa malamig na libingan. Sa kabila ng matinding takot, ay itinulak niya ang kanyang paa at humakban. At ang unang lapat ng kanang paa sa lubo, ay biglang malakas na hangin ang tumulak sa kanya. Hindi palayo pero, hangin n parang humihigop sa kanya papasok. Dahan dahan, ang pintuhan ng tore sa harap niya ay nagbubukas. At ang pinto ng pultahan sa likod niya ay nag sara. Wala nang atrasan, aalis nalamang siya doon pag nagawa na ang pakay. Tuluyan na nag bukas ang pintuan ng tore. Napawala ang hangin, at napaltan ng nakakagilabot na katahimikan. Nakiramdam si Briandor, bago mulang humakbang.. Ngunit ang nakakatakot na katahimikan ay nag dulot lamang ng matinding pagkahindik, dahil onti onting nakinig sa paligid ang dahan dahang pagbangon ng mga bangkay. Dahan dahan ang pag tayo, gawa na rin ng pag ka agnas at pagkarupok ng mgabato. Naisip ni Briandor na hindi niy akakayanin labanan ang lahat ng yon , kaya ng dali dali siyang tumakbo papasok ng tore. Madaling naiwasan ang bangkay na nag pipilit na buuin ang ibang parte ng katawan para makatayo at nakarating siya sa loob sa kung saan ay ang pinto ay biglang nag sara.

           Kadiliman ang sumambulat kay Briandor, kadiliman na ang sarili niya lang ang kanyang nakikita, hindi dahil walang ilaw, kundi alam niyang may nag nakaw ng liwanag. Dahan dahan lumakad siya ng diretso, hakbang sa daang hindi niya alam ang patutunguhan. Nag uumpisa nang mangalay ang kanyang mga paa ng natanaw niya sa malayo ang isang  hagdaan. Agad siyang tumakbo para tunton ang hagdan at matakasan ang kadiliman, ngunit tila kahit na uubusan na siya ng pag hinga ay hindi lumalapit ang hagdan. Nasa harap niya lang, ngunit hindi lumalapit. Umupo siya at nag pahinga, para lamang makita niya na onti onting nag lalaho sa kadiliman ang hagdan. Ginusto niyang habuling ngunit, parang lubid na pumipigil sa kanya ang pag hinga. Nag umpisa na siyang mawalang ng loob, naramdaman na niya ang pagod, at ang takot ang pag iisa... Pero, ang kanyang puso, na napagod sa pagtibok at pag takbo, ay pilit parin siyang itinatayo, at itulak na lumaban. Dahan dahan, tumayo si Briandor, naisip niya, hindi siya nag iisa, onti onti siyang pumikit, at sinilip ang laman ng kanyang puso, ang nag iisang taong kasama niya sa dilim. Si Pusopina, na nakatayo sa harap niya.... ang nagsasabing, hindi ang hagdan ang nais mong marating Briandor,.... itinaas ni pusopina ang kanyang kamay at  pinilit iabot kay Briandor, Onti onti lumakad si Briandor lumapit para abutin ang kamay ng dalaga, pero hindi tulad ng hagdang tumatakas... ay nanatiling nakatayo lamang si Pusopina hinihintay ang kamay ng binata. At sa isang iglap ay naabot niya ang kamay ng dalaga, Na dahan dahang nag laho sa pag mulat ng binata. At sa kamay niya ay nakahawak na sa hagdanan. Inilagay niya ang kanyang kamao sa dibdib, at bumulong ng pasasalamat. Hindi na nag sayang ng oras si Briandor at inakyat ang hagdanan. Paikot ang hagdan, at tila hindi nauubos, nahihinto siya  para mag pahinga at hayaang makahabol ang hanging kailangan ng baga niya. At muling tumakbo, nag sisimula nanaman siyang kabahan dahil, baka isang sumpa nanaman ang hagdaan na hindi nauubos. Ngunit hindi siya nakumbinsi ng utak, at sa wakas narating niya ang pinaka dulo ng hagdan. Na kung saan ay meron isang malaking pintong sarado. Naiiba ang pinto, ito ay gawa sa purong ginto, na nag kakalat ng liwanag na binibigay ng munting candila sa tabi. Dahan dahan niyang nilapitan... at tumayo sa harap nito. Nag tataka, dahil hanggang sa oras na yun, ay wala paring dragon na pumipigil sa kanya. Pero, parang nakinig angkanyang iniisip, nangbiglang may dumagundong sa kasunod na palapag sa taas. Isang mabigat na bagay na nagdabog. kasama ang sigaw ng gumuguhit sa katahimikan. Nasa kasunod na palapag ang dragon. Pilit na pumapasok ang takot s akanyang puso ngunit, matindi ang taong nasa loob nito, hindi nag papapasok ng ano mang makakapanakit sa kanya. Mula sa kanyang tampipi ay inilabas niya ang isang malaking kabute, uri na tulad nung kinuha niya sa gubat. Kumagat siya at kumain ng piraso nito, hanggang sa makagawa siya ng konting hukay, at dito ay nilagyan niya ng tubig. Nag nag umpisa nang mag labas ng usok ang kabute. Onti onti, tinulak ni Briandor ang pintuan, at mula sa butas na ginagawa nyang pag bukas, malakas na dilaw na liwanag ang sumisilaw sa kanya.. sa sandaling oras ay nabulag siya sa liwanag, at nang dahan dahang bumalik ang kanyang paningin, nabitawan niya ang kabute sa pag kagulat, isang kwartong hindi niya agad inaasahan. Nag sasayawang ilaw mula sa candila, Isang mesang puno ng masasarap  na pag kain, isang kamang nang hihila ng kanyang pagod na katawan. "Nasaan angkulungan" tinanong niya sa sarili, habang dahandahang pumasok para hanapin ang prinsesa. Ngunit siya ay nabigo, walang tao. Nag umpisa na siyang mangamba na baka kinain na ng dragon ang kanyang preso.  Naramdaman niya ang pagkapagod ng hita, kaya naisipang umupo sa gilid ng kama. Nang isang malakas na tili ang gumulat sa kanya at napatalon pabagsak sa sahig..... Ang prinsesa! hindi niya napansin ang natutulog na babaeng nakatakip ng isang malambot na puno. Nag pakilala si Briandor, at agad hinili ang kamay ng Prinsesa. Maganda ang plano niya pag takas, kukunin ang prinsesa, at gagamit ng lubid para dumaan sa bintana, sa ganoong paraankasi hindi na niya kailangan daanan ang kung ano man ang sasalubong at pipigil sa kanya. Pero isang hindi inaasahang bagay ang nangyari, dahil tila si Briandor lang ang gustong mag madali sa pag takas, naihanda na niya ang lubid na bababan pero nung aabutin na niya ang kamay ng prinsesa ay dahan dahan tong lumalayo, na tila natatakot. Tumingala siya, at nag pakita ng kaba sa kanyang mukha, naintindihan ni briandor ang nais sabihin ng princesa, at binigyan niya lamang ito ng ngiti. Pinahiwatig na wala dapat na ikatakot. Ngunit hindi nakumbinsi ang prinsesa at bumalik sa kama. Nakiramdam muna si Briandor, bago niya sinundo ang naginginig na prinsesa.... Tinabihan niya ito sa kanto ng kama, at inabot ang kamay, kinumbinse na parehas lamang silang natatakot, pero wala silang mapapala kung ito ang masusunod. Ngumiti ang prinsesa, na tila nakumbinsi sa nanginginig na salita ni Briandor.

....................Halikan mo ako.......................

         Nagulat si Briandor para sinabi ng prinsesa, at hindi nakaimik, at napatalon siya palayo sa prinsesa nang, dahan dahang nag buhat ito ng dami sa kanyang harapan, at ipinakita ang katawang, tila hinubog ng isang dyosa.Ang distansya ng dalawa ay onti onting lumiit nang dahan dahang inilalapit ng Prinsesa ang kanyang labi sa labi ng lalake, ang ang kamay niyang initataas ang inaalis ang samplot ng binata. Naramdaman niya ang matinding kabag ng kanyang puso, pang lalamig sa ginta ng init ng prinsesa, at bago  mag dampi ang kanilang labi, ay lumaban ang kanyang puso...

PUSOPINA!!!!!!!!!!!!!!!!!!

        Natigil ang dalaga sa kanyang ginagawa, nag tatakang tumutig sa binatang nag kinakapos ng hinginga...

"Pusopina!.. siya ang babaeng ninanais ng aking mga labi...."

 Binitiwan ng  prinsesa ang mukha ng binata, at napaisip.... lumingon sa sahig, pinanood ang naglalarong apoy sa kandila, at sa nakakalat na kabute sa sahig. Tila natauhan ang prinsesa, at isinuot ulit ang kanyang saplot..

"Nandito ka, para sa puso ng iba?....."

Tumingin siya siya sa prinsesa.... "para sa kanyang ngiti...."

Nanahimik ang prinsesa at sumagot....

"tara..."

agad tumayo na tila hiyang hiya at pinaunang lumakad si Briandor papunta sa bintanang nagbibigay daan mula sa kanilang kalayaan.

"Sa wakas, makakauwi na ako..... at hindi na kailangang lumuha si Pusopina..."

               Dumungaw siya sa bintana, mula doon ay tanaw niya ang katiting na piraso ng bayan niya. Iniisip na nandun  ang minamahal. Ngunit naagaw ang atensyon niya nang makita niya si Kulas na papasok  sa tore. Hindi niya alam na nasaloob si Briandor, at na makakatakas na sila kamasa ang prinsesa. Kailangan niyang pigilan si Kulas mula sa, pag sasayang ng oras, at buhay para lamang iligtas ang ligtas na, Hindi siya makasigaw dahil naalala niya na lumapag ang dragon sa taas nila, kaya nag hanap siya ng maaring ibato pababa bilang pang agaw ng attensiyon. And silya, unang bagay nakita niya, agad itong dinampot at bumwelo sa pag bato sa labas ng bintana.

isa... dalawa.... tatlo...!

          Naibato niya ang silya ngunit ni di umabot palabas ng bintana, bigla siyangnawalang ng lakas, gawa na rin ng pananakit ng dibdib. At nagulatnalamang siya, isang patalim ang nakalabas sa kanyang dibdib, nanakatarak sa kanyang likod, nilingon niya ito para tignan ang pinang galingan, ngunit ang patalim pala'y dulo ng mahabang buntot, sinundan niya ang buntot na tila naagnas at mabuto, at na nag tatapos sa loob ng palda ng prinsesa na nakatitig ng masama sa kanya, binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti at Sumigaw. Duon niya nalaman, na walang dragon, walang prinsesa, isang halimaw lamang na nag hihintay lamang ng mga tangang naniniwala sa pagibig na hinahanap ng prinsesa. Gamit lamang ang buntot na nakatarak sa likod ni Briandor, ay binuhat ang katawan ngbinata, palapit sa mukha ng prinsesa.

                 "Hindi kasanamakakaramdam ng sakit kung hinalikan mo nalang ako, tulad ng ibang hibang na nag tatangkang sagipin ang kanilang prinsesa hahaha.... at dahil ikaw lamang ang naiiba sa lahat, ikaw lamang ang bibiyayan ko ng isang masakit, mabagal na kamatayan......"

            Nag uumpisa nang nag manhid ang katawan ni Briandor, ng umpisa nang pumatak ang luha nang pinipilit niyang lumingon sa bintana, at tinanaw ang lugar na sinilangan. Umiiyak dahil naisip niya, na hindi niya matutulungang makauwi si kulas. At sa halip na iisa lamang ang mawawala sa tabi ni Pusopina ay pati siya.

"sino nalamang ang tutulak ng duyan....."

       ang nag iisang gumagambala sa kanya habang walang kupas ang pag agos  ng kanyang dugo. Pero manandaliang nagising ang kanyang nanghihinang katawan ng bigla siyang bumagsak sa sahig, kasabay ang prinsesa na pinipilit parin tumayo. Lumakad sa lamesa, para uminom ng tubig ngunit, nadulas lamang ang kanyang kamay na sumosoporta sa katawan sa kanto ng mesa, at muling bumagsak sa sahig.

"Anong ginawa mo sa akin?!"  sigaw ng prinsesa.

Sa kabila ng nauubos na dugo at sa butas sa kanyang likod at dibdib, pinilit ni Briandor na umalis sa pag kakadapa at umupo sa pader

"Hahaha!! Mukhang mag kakaroon ng oras si kulas ang pag patay sayo..."

Pinilit na gapangin ng prinsesa si Briandor, at sa natitirang lakas ay naibato niya ang kanyangbuntot sa binata, para lamang tumama sa kanang balikat niya. Bagay na ikinasigaw ng binata...

Onti onting nang nag didilim ang paligid ni Bryandor, hangang sa tuluyan nang mawala ang kanyang paningin...

"Briandor!!! briandor.....!!"

Boses ni kulas na pilit siyang ginigising....

Napansin ni kulas ang magulong kwarto,

Nakit aniya ang natutulog na katawan ng prinsesa, at ang mahabang buntot nito na nakatusok kay Briandor...

"Ung ka........bute.... ku.....ku.....main ka...... ng piraso......"

Nag tatakang reaksyon ang isinagot lamang ni Kulas, naramdaman ni Briandor na hindi nakikinig ang Kabalyero kaya gamit ang natitirang lakas ay itinulak at itinuro ang kabute..... Di nag laan ay ginawa ni Kulas ang pinagagawa ng nag hihingalong binata.....

"ano ang nang yari dito?!"........  Natatarantang tanong ni Kulas habang inaalis ang nakataraksa balikat ni Briandor, at pinipilit buhatin. Na nag dulot lamng ng matinding sakit at pang sigaw ni Briandor..

"haha..... u...... umuwi... ka na.......wa.....la... nang...... prinse.....prinsesa......"

Pilit na nag lalabas ng ngiti si Briandor, na nagpapahiwatig, na maayos na ang lahat.....

"Pusopina....... hi..ni......hintay ka......ka niya....."

Sandaling nilingon niya ang, Prinsesa.. at muling humarap skay Briandor. Naging matigas ang ulo, ni Kulas, isa siyang kabalyero, at alam niyang hindi niya dapat iwan si Briandor doon, Ngunit sa natamong sugoat ni Briandor, ay hindi madaling lumabas ang desisyong dapat niyang gawin.. ang katotohanan. Kaya umupo si kulas sa tabi ni Briandor.....

"Aalis ako kapag nakapagpahinga ka na......."

Ngumiti si Briandor, naisip niyang madalingnakaakyat si kulas sa tore, kaya pusibleng nawala ang kapangyarihan ng prinsesa nang napatulog niya ito. Kaya sigurado na siyang makakauwi si Kulas.

"haha... Ku...las......"

Hindi tahimik lamang na nilingon niya si Brian.....

"Ba.......bantayan... mo.....si.... Pu....Puso.....pusopina......"

*napagod na po ako sa  pag ttype ng nag hihingalo.. kaya imagine nio nlng na nag hihingalo sya ok?*

"alam mo ba... Gustong gusto ni Pusopina panoorin ang pag sikat ng araw.... at kung pwepwesto ka sa puno sa harap ng bahay ko..matatanaw mo kung pano dumadampi ang liwanag ng araw s akanyang pisngi....."....


"At..kung pwede.... ang mga wish flower ko sa bakuran ko.... alagaan mo.... haha naniniwala kasi si Pusopina na kapag dadaanan siya ng pag lipad noon, at makikinig ng langit ang kanyang mga hiling......"

".....at... ang higit salahat... ipangako mo sa akin... na dapat makahuli ka ng kuneho.... at ibigay mo sa kanya.... haha... nung bata kasi siya.... sobrangnalungkot siya... at walang tigil na umiiyak.... at nung araw naka opo lamang siya sa parke, nag iisa, nilapitan siya ng kuneho, at doon ko unang nakita ang kanyang ngiti... ngiting, minahal ko...."....

"at.... sa tuwing may problema siya.... ang paborito niyang puntahan ay ang puno ng seresa, at pag umupo siya sa duyan... hindi mo nakailangan mag salita, itulak mo lang ang duyan....Yung kasi ang ginagawa ng magulang niya dati  para mapatahan siya......"



At doon, tuluyang nalagutan ng hininga si Briandor...

Tumayo si Kulas, at inilabas ang esapada, at hindi nag dalawang isip na putulin ang ulo ng prinsesa, na kung saan ay nag umpisang lumabas ang tunay na anyo... at ang bangkay ay nag tila batong nag babaga, hanggang sa maging abo......

At doon na ako nagising.... tindi ng panaginip ko noh.... short story.... ay oo nga pla ung kabote daw... ay nag lalabas ng maputing usok... kapag nababasa....un kasi ang plano ni Briandor sa dragon, ang patulugin at tumakas ^____^

8.19.2012

Olivia...

8.19.2012
Hindi nakalusot ang sabado, sa sobrang kasipagan ni Olivia, hindi biro ang pagiging guro. Isang linggong nagbibigay kaalaman sa kanyang estudyane. Pero ang trabaho niya ay parang boteng mountain dew, na ibubuhos at paghahatihatiin ng kanyang mga alaga. At ang matitira sa bote na dapat ay kanya... wala.. ung amoy lang. At ang natirang amoy na yun ay ang kanyang day off. Pero matindi si Olivia, pinaglihi yata sa lata. Kasi parang robot na hindi na napapagod.. pero naglolobat. Maaga siyang gumising para pumasok sa review. Kailangan maaga...early bird, una dahil syempre gusto niyang pumasa, pangalawa... dahil nagbayad siya... at ang panghuli kailangan niya ng magandang pwesto sa loob ng classroom. Dapat sa likod, tamang lamig tamang init, tamang liwanag, at tamang line off sight ng trainer. Magandang spot para umidlip. Idlip lang ang ginagawa ni Olivia, pahinga ng mata ng 15 minutes, mumulat ng limang minuto, at muling pipikit. Wala siya sa sariling bahay nakakahiya nga naman kung makikitulog dun. Matapos ang patagong pagpapahinga ni Olivia, ay mag uumpisa siyang makinig na sa Lecturer, susulat sa kwaderno makikinig, kakausapin ang katabi at titingin sa cellphone. Sumimangot si olivia matapos niyang silipin ang kanyang "historical" na cellphone,yun kasi ang sa history na unang polyphonic. Nadismaya, akala niya 30 minutes siyang napaidlip... limang minuto lang pala. at nalungkot dahil, hindi parin nagtetext ang kanyang "mahal" ang tunay na iniibig, ang nag iisang taong laman ng kanyang puso. "ano na kaya ang ginagawa niya", "kamusta na kaya siya". Paulit ulit na tinatanong niya sa kanyang sarili,nais sanag sumagot ng kanyang katawan na "eto pagod lagi ka kasing puyat eh" pero nahiya, hindi naman kasi si katawan ang kinakamusta ni Olivia.Nag iimagine kung ano ang ginagawa ng iniirog, habang paulit ulit na chinecheck ang kanyang cellphone.Ngunit wala, Sayang ang load, na pang reply sana sa sinisinta. Sandali nalang mag eexpire na, at dala na rin nang antok at pagkainip.... iba nalang muna ang kanyang tinext. Dahil kahit sina robocop, kailangan gumamit ng emergency battery kung sakaling low bat ang kanyang Main-power-supply. Natapos ang claseng, hindi nagpaparamdam. Oo nalibang siya pero ung kulang ay hindi parin napuputnan.
Ibang klaseng babae si Olivia, rare...parang diamante sa gitna ng mga bato, parang taeng nahalo sa ipot. Di siya gaya ng ibang kaklase niya, na pagkareview, uwi agad para mag aral! o kayat matulog, or gumimik... Si Olivia, dumeretso sa sementeryo. Naalala niyang nabanggit ng kanyang sinisinta, na nais niyang madalaw ang puntod ng kanyang mga magulang. Nalimutan nang tuluyan ni Olivia tunay na spirito ng dayoff, dahil ang nalalabing oras nasiya ay hindi robot ay ginamit niya para dumayo pa sa malayo. Para gawin ang nais gawin ng kanyang sinisinta....Gloomy ang lugar, walang kabuhay buhay, patay. Kaya nakaramdam ng pagkaungkot si Olivia at nag umpisang maglabas ng kanyang loob,ibat ibang frustrations na nais niyang iparating sa kanyang mahal. Na sinasagot naman ng hanging tumatama sa kanyang mukha at nag papahid ng kanyang luha....... Nahino ang kanyang "emo momments", nang kumalam ang kanyang tsan... pero dahil puso parin ang bossing, naisipan niya munang ibili ang ng cake ang inay ng kanyang kasintahan, Birthday kasi.... 
at sa wakas, sa unang pag kakataon ngayon araw na to..... sarili na niya ang kanyang pinagbigyan. At enenjoy ang pag kain sa isang fast food lane, hindi ko na sasabihin kung ano,basta kaaway ng bubuyog. Matapos magpakabusog at lamnan ang maladrum na tsan, at tinahak na niya pauwi. Kaskasero si manong driver, hindi pwedeng hindi ka kakapit sa estribo dahil ramdam na ramdam mo ang law ng physics. Pero matindi si Olivia, nagawa pang makapag text, kahit na nasa mumurahing roller coaster ride siya. Malakas ang loob na hindi siya tatalsik kung sakaling biglang preno, confident sa weight *evilgrin*
Sawakas, nakauwi na si Olivia, pero hindi dahilan para mag pahinga. Hindi pa tapos ang araw niya, ni hindi pa nga ng uumpisa.Dahil sa halip na sa pangangalaga ng unan dumiretso ay bumiglang liko sa harap ng kanyang computer, nasunod nanaman ang puso.At muli nanamang bumalik sa kanyang fairy tail sa sarili niyang love story hindi na siya robot.Si Olivia ay naging ganap na prinsesa at kasama ang kanyang prinsipeng, buong araw na ninanais makausap. At tulad ng mga storya ng Disney, naging magical din ang gabi ni Olivia, ang kanyang naramdaman ay nagawang pahintuin ang oras,permanenteng naging invisible at LAHAT ng tao. At ang mundo... ang kasalukuyan.....at ang hinaharap... ay sa kanila lamang ngyong gabi....




Palala:walang tsismis.... ito ay hindi hango sa tunay na buhai....

7.31.2012

Hulyo bente katro

7.31.2012
 Tumunog ang aking alarm clock number 1 (aka digital wrist watch) ko ng 630 ng umaga, sinet ko yun dahil dati meron akong binabati ng isang magandang umaga bago pumasok. Masyadong maaga,at may sequel pa ang teleseryeng panaginip ko, ninja daw ako, na may magik, at kalaban zombies,kaya natulog ulit ako. Tumunog naman ang alarm clock number two ko(cellphone ko naman), ngayon sa standard na time 830, nag prapraktis kasi ako ng gumising nang maaga, para at least medyo mabawas bawasan ang kahihiyang dinudulot ko na bilang isang bum. Walang pakisama ang mutaing mata, ayaw mag mulat,feeling ko ako daw si terminator,sobrang bigat ng katawan,at ang kama.. malaking magnet,Pero hindi kinayang "morning weight" ang aking "will to wake up so early". At sawaka nanaig ang kabutihan, at tuluyan akong nakabangon. Tinignan ko ang oras, 10:30 na, anak ng teteng, dalawang oras na pala akong nagpipilit bumangon.

          Specialty ko ang patatas, french friez, mash potato hash brown, kaya ko yan, kahit pang harang sa zombie ang patataas eh lalagyan ko pa ng gravey!. Pulido ang paghihiwa, ang isang dakot na patatas ay dahan dahang binabalatan, parang unang regalo ng kasintahan, nilalasap ang bawat balat na naaalis. Nung minsang minadali ko kasi, pati daliri ko natalupan,natrauma kaya ng slowmo nalang. Naluto ang french friez, at ang isat kalahating oras kong niluto ng buong puso, nawala ng isang nguyaan... at ang revelation.... gutom parin ako.

     Ala una ng hapon, nakatanggap ako ng isang text, parang batang excited magbukas ng bagong pack ng teks o kya pog ang aking naramdaman. Akala ko trabaho, hindi pala, Isang kaibigan, nagyayaya magdivisoria. Yare, sira ang plano ko sa buong araw, gusto ko sanang ituloy ang ginagawa ko kahapon....mag isa, magmukmok, at lumipad sa mundo ng aking imahinasyon, na kung saan ako daw ay miserable at sawi sa pag ibig. Nag reply ako, "sige, ok na yun, kesa mag emo ako buong araw".

    Katatapos na katatapos ko lang maligo nang tinawag ako ng tatay ko na nakabantay sa aming munting tindahan, may bisita daw. Nakabrief lang ako nung tinawag ako, syempre unang reaction ko mag madaling magbihis. Pero ayaw ko naman pahalatang excited akong masinagan ng araw, nagpakacool ako, chilax, pagkatapos ng limang sigundo bihis na ako at nasa pintuan na. Pero isang alaalang nag nakaw nang aking lakas na buksan ang pinto. Hindi pa  ako nakikita ng aking mga bisita, kaya dahan dahan, umatras ako palayo sa pintuan. Wala akong pamasahe, pero kinalabit ako ng unang swerteng naranasan ko nitong araw ko, dahil habang dibdibang kong sinasaloob ang katotohanan pulube ako. Dumating ang akin inay, at pinamahagian ako ng munting salapi, at isang relihiyosong bracelet, oo nakornihan ako, baduy, panay beads. Pero yun na ang sigurong isa sa pinaka nagustuhan kong bigay ng nanay ko, bakit?... dahil pinakita niya, na meron din siya. Siya mismo nagsuot sa kamay ko saharap ng kaibigan ko... kahit medyo nahihiya ako sa munting palabas namin ng akin ina, inabot ko ang kamay ko at hinayan kong mag match ang bracelet namin sa kamay. At dahil cool guy ako, pabulong akong nagpasalamat sa aking inay, at ginawa ang cool guy's exit palabas ng bahay.

        Bago lumakad, napagdesisyunan muna namin bumili ng mountain dew...with ice sa plastic... with straw. Hindi ko na sasabihin kung gaano kami kadalas uminom ng mountain dew, baka kasi pag tawanan niyo lang kami. Pero magbibigay ako ng hint.... kulay green na ihi ko.
Kwentuhan muna habang sumisipsip sa straw... at kahit naglalagkit na ang aming mga bituka ay sinusulit namin ang mountain dew. At and adventure sa divisoria, na posponed sa sabado at nauwi sa pag tagay ng Kalahating bote ng Gin, pamumulutan ng sisig, at hindi nalalamang pangalan ng pagkain, ang tawag namin "yung may century egg". Alas tress ng hapon, tumatagay kami habang nag lalaro ng xbox, at oo, hindi pumanig sakin ang swerte at hindi ako nananalo. Bihasa ang kalaro ko, pasmado, basa ang kamay, mas madulas sa controller kya mas mabilis pumindot. PAti nakikipanood sa pakikipagsapalaran ko sa pagkatalo, bumabanat. "Laging player one panalo ah".... at alam niyo na kung anong player ako.

Naubuos ang laman ng bote, at said ang sisig, pero ung may century egg, bawas lang. Alasingko palang, mahaba pa ang araw, kaya nakaisip kami ng productive na gagawin, at yun ay pumunta sa bahay ng isang barkada, at komopya ng Isang koreanovela, productive times two kasi cocopya rin kami ng magpapaproductive ng mga susunod na araw. At syempre hindi ko kaliligataan ang miryendang handong ng aming kaibigan, isang burger mula sa burger machine. At kahit puno na nang mountaing dew ang aking tsan, nilasap ko parin ang masarap na burger, may space pa naman sa baga, pwedeng dun ko muna ilagay ang nginuya ko. Pagkatapos mag meryenda, nag paalam na kami. At nag umpisa na kaming tahakin ang daan pauwi... mahaba ang lakaran, dapat alerto kung ayaw mong maexplore ang ilalim ng mga jeep. Pero tuloy parin ang kwentuhan. Siguro kung pwede lang i convert sa pera ang pag kwekwentuhan namin. Pulubi parin kami kasi tapon lang kami ng tapon ng kwento. At di namalayan ang kinse minutos na pag lalakad ay, nauwi na sa paalamanan. Nakarating ako ng bahai, dala ang hangover ng mountain dew. Tapos na ang adventure ko, balik nanaman ako sa tunay na buhai.... sa harap ng PC.

              Nagluto ng masarap na hapunan si Inay, spaghetti, simple lang, walang meatballs, walang giniling, ang karne lang ay hotdog. Pero, daig si jabi o si mcdo sa lasa. Ang secreto? SECRET!.  Basta masarap, merong trade mark ang nanay ko dun kaya kahit itabi siya sa luto ng iba, maiidentify ko parin!. at nung tinikman ko na ang kanyang hinanda, napacooking masterboy ako! nagflashback ang buhay ko mula pagkabata, at doon ko naisip, na Hindi lumipas ang July 24 na walang spaghetti ni inay. At dun... sa lasang yun... sa sauce... sa keso... at pasta... ang normal na martes sa ikatlong lingo ng hunyo. tumanda nanaman ako ng isang taon.... Hindi ko kailangan ng Engrandeng handaan, masarap na icecream, maraming bisita, parlor games, at mga bumabati sa facebook dahil langnkita nila ng birthday ko. Sa spaghetti lang ng nanay ko, ok na....

         Inalis ko ang date ng birthday ko sa facebook ko, dahil gusto ko sana kung ma babati man eh dahil naalala nila, o dikaya, ng abalang sumilip sa wall ko, kahit papano gusto ko parin malaman kung existing parin ba ako sa mundong ito.. Kaya sa mga nakaalala... MARAMING SALAMAT!... at sa mga belated... hehhe tenkyu rin!.....

end....medyo antok n ako kaya next time ko nalang eedit