Yan ang tawag ng ibang matatanda sa sardina, tinanong ko kung bakit..... ang sagot nila:
Sino ang ang may matinong utak na makikipag siksikan sa isang punong lata, para lamang ikulong at di magtatagal ay kakainin din.
Oo nga naman, bakit nga namang pinag pilitan pa nila ang sarili nila sa isang masikip na lata. Bakit, pilit nilang ipagsasaksakan nila ang sarili sa latang, hindi nia siya kailangan. Bakit isusugal ang sarili kapahamakan, para lang sa kakaunting espasyo pasa sa kanila......
....siguro... siguro lamang.... malungkot sa labas... at handa niyang itapon ang kalayaan para lamang magkaroon ng kasama....
...siguro...dahil sa loob lamang ng lata, mag kakaroon ng pagkakataon ang mga isdang tanga na mapalapit sa isat isa... at doon lang sulit na ang nalalabing oras nila.
.... at sa maliit na lata na yun, nabubuo ang maliit na mundong, hawak nila ang o kadikit, ang bagay na kailangan laman nila, bagay na un lang, ok na.
.....kaya bakit isdang tanga? dahil pinili nilang iwan ang utak(at ulo) sa labas ng lata, para lamang makasama sa maliit na silid ang nais nilang makapiling..... dahil sa loob ng lata, ang ilusyong hindi sila makakapaghiwalay.... ang ilusyong walang problema... na hinaharangan lang pala ng stainless na lata.... na balang araw sa pagdating ng panahon, ay mabubuksan din sila, at paghihiwalayin ng simpleng tinidor.....
Pero ang oras nila sa loob ng lata.... WORTH it.... kahit ano pa man ang napagdaanan pag pasok... o kung ano man ang kapalarang hinaharap....
0 Usisero:
Post a Comment