8.19.2012

Olivia...

8.19.2012
Hindi nakalusot ang sabado, sa sobrang kasipagan ni Olivia, hindi biro ang pagiging guro. Isang linggong nagbibigay kaalaman sa kanyang estudyane. Pero ang trabaho niya ay parang boteng mountain dew, na ibubuhos at paghahatihatiin ng kanyang mga alaga. At ang matitira sa bote na dapat ay kanya... wala.. ung amoy lang. At ang natirang amoy na yun ay ang kanyang day off. Pero matindi si Olivia, pinaglihi yata sa lata. Kasi parang robot na hindi na napapagod.. pero naglolobat. Maaga siyang gumising para pumasok sa review. Kailangan maaga...early bird, una dahil syempre gusto niyang pumasa, pangalawa... dahil nagbayad siya... at ang panghuli kailangan niya ng magandang pwesto sa loob ng classroom. Dapat sa likod, tamang lamig tamang init, tamang liwanag, at tamang line off sight ng trainer. Magandang spot para umidlip. Idlip lang ang ginagawa ni Olivia, pahinga ng mata ng 15 minutes, mumulat ng limang minuto, at muling pipikit. Wala siya sa sariling bahay nakakahiya nga naman kung makikitulog dun. Matapos ang patagong pagpapahinga ni Olivia, ay mag uumpisa siyang makinig na sa Lecturer, susulat sa kwaderno makikinig, kakausapin ang katabi at titingin sa cellphone. Sumimangot si olivia matapos niyang silipin ang kanyang "historical" na cellphone,yun kasi ang sa history na unang polyphonic. Nadismaya, akala niya 30 minutes siyang napaidlip... limang minuto lang pala. at nalungkot dahil, hindi parin nagtetext ang kanyang "mahal" ang tunay na iniibig, ang nag iisang taong laman ng kanyang puso. "ano na kaya ang ginagawa niya", "kamusta na kaya siya". Paulit ulit na tinatanong niya sa kanyang sarili,nais sanag sumagot ng kanyang katawan na "eto pagod lagi ka kasing puyat eh" pero nahiya, hindi naman kasi si katawan ang kinakamusta ni Olivia.Nag iimagine kung ano ang ginagawa ng iniirog, habang paulit ulit na chinecheck ang kanyang cellphone.Ngunit wala, Sayang ang load, na pang reply sana sa sinisinta. Sandali nalang mag eexpire na, at dala na rin nang antok at pagkainip.... iba nalang muna ang kanyang tinext. Dahil kahit sina robocop, kailangan gumamit ng emergency battery kung sakaling low bat ang kanyang Main-power-supply. Natapos ang claseng, hindi nagpaparamdam. Oo nalibang siya pero ung kulang ay hindi parin napuputnan.
Ibang klaseng babae si Olivia, rare...parang diamante sa gitna ng mga bato, parang taeng nahalo sa ipot. Di siya gaya ng ibang kaklase niya, na pagkareview, uwi agad para mag aral! o kayat matulog, or gumimik... Si Olivia, dumeretso sa sementeryo. Naalala niyang nabanggit ng kanyang sinisinta, na nais niyang madalaw ang puntod ng kanyang mga magulang. Nalimutan nang tuluyan ni Olivia tunay na spirito ng dayoff, dahil ang nalalabing oras nasiya ay hindi robot ay ginamit niya para dumayo pa sa malayo. Para gawin ang nais gawin ng kanyang sinisinta....Gloomy ang lugar, walang kabuhay buhay, patay. Kaya nakaramdam ng pagkaungkot si Olivia at nag umpisang maglabas ng kanyang loob,ibat ibang frustrations na nais niyang iparating sa kanyang mahal. Na sinasagot naman ng hanging tumatama sa kanyang mukha at nag papahid ng kanyang luha....... Nahino ang kanyang "emo momments", nang kumalam ang kanyang tsan... pero dahil puso parin ang bossing, naisipan niya munang ibili ang ng cake ang inay ng kanyang kasintahan, Birthday kasi.... 
at sa wakas, sa unang pag kakataon ngayon araw na to..... sarili na niya ang kanyang pinagbigyan. At enenjoy ang pag kain sa isang fast food lane, hindi ko na sasabihin kung ano,basta kaaway ng bubuyog. Matapos magpakabusog at lamnan ang maladrum na tsan, at tinahak na niya pauwi. Kaskasero si manong driver, hindi pwedeng hindi ka kakapit sa estribo dahil ramdam na ramdam mo ang law ng physics. Pero matindi si Olivia, nagawa pang makapag text, kahit na nasa mumurahing roller coaster ride siya. Malakas ang loob na hindi siya tatalsik kung sakaling biglang preno, confident sa weight *evilgrin*
Sawakas, nakauwi na si Olivia, pero hindi dahilan para mag pahinga. Hindi pa tapos ang araw niya, ni hindi pa nga ng uumpisa.Dahil sa halip na sa pangangalaga ng unan dumiretso ay bumiglang liko sa harap ng kanyang computer, nasunod nanaman ang puso.At muli nanamang bumalik sa kanyang fairy tail sa sarili niyang love story hindi na siya robot.Si Olivia ay naging ganap na prinsesa at kasama ang kanyang prinsipeng, buong araw na ninanais makausap. At tulad ng mga storya ng Disney, naging magical din ang gabi ni Olivia, ang kanyang naramdaman ay nagawang pahintuin ang oras,permanenteng naging invisible at LAHAT ng tao. At ang mundo... ang kasalukuyan.....at ang hinaharap... ay sa kanila lamang ngyong gabi....




Palala:walang tsismis.... ito ay hindi hango sa tunay na buhai....

0 Usisero:

Post a Comment