11.17.2012

Alas Kwatro

11.17.2012

Alas Kwatro


Alas kwatro na nang madaling, araw gising parin si Bebang Malahimuyak. Abalang abala sa ginagawang presentasyon na gagawin niya para sa mga estudyante. Humihigop sa kaping lumamig na at pang pitong refill, habang may nakasubong skyflakes sa bibig na naninikit na sa labi dahil kalahating oras na yatang nakaipit. At paminsan minsan ay parang buang na bigla nalamang tatawa... oo.. tatawa hindi ngiti... TAWA.  Pero hindi mo masisise, lahat na nang laman ng utak niya...talino, depresyon,stress,bitterness nasa my Documents na, ang natira nalang sa kanya ay ang kakahayang mag enjoy.

Alasingko na nang matapos ang dalaga, isang matinding unat, at lagutukan ng mga buto na nagbigay sa kanya ng panandaliang sarap.  Tinignan niya ang wallclock, dahil hindi makapaniwala sa nakita sa computer,huling check niya kasi ay alas dos palang.  Tumayo siya at dumeretso sa kama, pero hindi para humiga at pakinggan ang inbitasyon sa kaharian ng panaginip. Kundi para kunin ang twalyang nakasampay sa may bintana. Wala nang tulog tulog, sa pamamagitan ng  natitirang lakas, na gumagamit ng excitement sa presentasyon bilang gasulina, ay nagkaroon ng buhay ang kaninang robot. Nagligo, para makaskas ang namuong pinagsamang mantika at alikabok sa katawan. Nagsipilyo para basain at sugpuin ang tagtuyot sa bunganga. At sa loob na isang oras at sa tulong ng isang boteng pulbos, ang manikang bato, ay nagkaroon ng buhay, nag mukhang tao, nag mukhang dalagang naayon sa edad niya. Salamat  nalang nsa nag imbento ng make-up at tabo.

Nalate nang dating sa school si Bebang Malahimuyak,at wala siyang pwedeng pasalamatan kundi ang jeep at taxi driver na inuuna ang pagtatalo kung sino ang unang lumiko kesa sa igilid muna ang mga gasgasadong sasakyan na nasa gitna ng kalye. Yun yata talaga ang uso satin kulang nalang lagyan ng plakard na “Bawal dumaan ang sasakyan dito may nag aaway”. Nakatayo na ang mga estudyante sa kwadrangel,  at nag hahanda na sa ritual nila tuwing umaga. Matapos mag time in ay tinakbo na agad ng hinihingal na guro palabas sa playground at tumabi sa co-teacher,inilagay ang kamay sa dibdib at sumabay sa pagawit “.....nang mamatay ng dahil sayo tentenen”.  Hindi pa niya naiibaba ang kanyang kanang kamay ay, may pa buena mano agad. Dalawang dalaginding, isang bayang magiliw lang ang kinanta eh may nasagap agad na tsismax. Agad umalis ng formation si teacher Malahimuyak at kinalabit ang mas malaking dalagita, “quiet muna po tayo”. Ang sabi ng mahinhing  guro.  Ngumiti lamang ang dalawang estudyante, at tumahimik. Pagkasita ay bumalik na si Bebang Malahimuyak sa kanyang position, ngunit hindi pa nakakalayo ay may nakinig siyang boses ng matalim na hangin,na parang panang  dumiretso sa  butas butas na niyang puso.  “ayan nagalit si snow white” (dahil medyo makapal ang kanyang pulbos/foundation)

Natapos ang Ceremony, isa isang section ang umakyat ng classrooms nila, in order mula sa nasa pinakamataas na floor hanngang sa pinaka mababa.  Ang unang clase ni teacher B.M. sa second floor, kaya nagkaroon siya ng kakarampot na oras para makapag pahinga, makapag kolekta ng oxygen,at retach na nang puting putik sa mukha dahil sa pawis. Sa wakas nakarating na ang guro kasabay ang kanyang unang section sa klasroom, binigyan ni teacher Bebang ang estudyante na makapag prepare prepare, habang siya ay hinahanda ang power point presentation.  

Excited na excited na ang guro na mag umpisa, nais niya kasi makita ang reaction ng mga bata sa hinanda niyang presentasyon. “ok class, tahimik na po tayo” ang pakiusap ng guro. Walang uminda, lahat kanya kanyang kwentuhan, lahat kanya kanyang kamustahan tungkol sa sabado at linggo nila, ung iba nagkwekwentuhan agad tungkol sa sineng pinanood,  ang secretong magsyotang obyus, nasa sulok nag lalampungan. Bumuntong hininga ang guro, at muling pinatahimik ang mga estudyante. Nakinig ito ng mga nag tatalinuhang estudyanteng nakaupo sa likod, kaya ang pakiusap ng guro umeko sa mas maingay at matining na boses. At onti onting nabawasan ang kwentuhan sa classroom habang dumadaming “SHHHH...” ang umalingasaw sa classroom. Masaya ang guro dahil sa wakas nasa kanya na  ang attensyon, pero nabagabag dahil alam niyang hindi siya ang nang agaw.

Sinimulan na niya ang presentasyon, naging masaya ang diskasyon, lalo na sa mga active sa harapan.  Mga tawanan sa mga supresang  inihandog ng guro, siningitan niya kasi ng mga “meme” ang kanyang presentasyon, un daw kasi ang uso sa kabataan ngayon. May mga nag rerecite,kahit ang tamis ng pagiibigan at lampungan ng magkasintahan ay walang laban sa powerpoint ng guro, at  ang mga hindi nabiyayaan ng talino, nasalikod tumatawa sa bawat sisingit ng joke. Yun lang ok na, kasi alam ni Bebang na nasunod sa topic ang mga estudyante. Gumaan ang pakiramdam ng guro, dinaig pa ang sampung oras na tulog na kailangan niya. At sa mga oras na yon feeling niya siya na si sleeping beauty, at ineenjoy ang panaginip.

Hindi napansin ng mga estudyante ang pag dating ng Recess, dahil nasulit nila ang bawat pahinang handong sa kanila ng kanilang guro. Sinuklian si bebang ng kanyang estudyante ng isang tawanan na may halong palakpakan, hindi nila alam “tip” nalang yun dahil busog nabusog na ang titser sa partisepasyon nila. Dumeretso sa faculty room si Malahimuyak, nag bukas ng baong instant noodles at nilagyan ng mainit natubig pagkatapos ay nag hintay ng 3minutes. Pero kahit ang break time ay para lamang sa mga estudyante, dahil inilabas niya ang mga quiz papers na hindi niya nagawang tsekan sa bahay.  Kaya hawak ang ballpen sa kanang kamay at ang cup noodles sa tabi, ay  muli niyang ginampanan ang kanyang tungkulin, ang siguraduhing nag aaral ang mga bata.

TANGhalian na! Sigaw ng isang gurong pumasok sa faculty room, parang prophetang nagbigay ng mabuting salita ang naidulot. Sabay sabay ang mga titser na nag tinginan sa kanikanilang relo, iba sa wall clock, ang iba ay sa co-worker na namigay ng pangakong mang lilibre. Iniligpit muna ni bebang ang kanyang tsinetsekan na infinite number of items, at nag mamadaling tumindig at dumeretso sa canteen kasama ang ibang mga guro. Sabay sabay silang naglakad papuntang kainan, at bawat estudyanteng madadaanan ay hahandugan sila ng ngiti at babatiin ng “Hello po”.  Kanya kanyang order ng ulam ang nag tatawanan at to chismaxan ng mga guro. Burger steak w/ gravy(ang sikat na gravy na hango daw sa tunay na ingridients na gamit sa jabi, kalasa kasi) ang napili ni Bebang,may kasamang  rice, ICEtea na 95% ng baso ay yelo na kailangan niya pang hintaying matunaw para mainom. Sabaw ng pinaglagaan ng baboy na may bonus na maliit na taba, at candy dahil walang panukli. At sa halagang 34 pesos, naexperience niya na ang pagkain sa Jolibee. Ayos, na yun kesa sa orig, dahil mas marami ang kanin, mas malaki ang burger at malamig pa ang ICE tea!. Higit sa lahat, MURA! Dahil kuripot ang nakuhang propesyon ni Bebang, pinag damutan kasi sila ng gobyerno, kaya ang props na gagamitin nila ay pitas sa naglalagas na puno ng salapi.At ang natitirang perang para sa kanila, pinagbayad na nang koryente. (Kaya binabawi kona ang trash talk ko sa dati kong mga guro, na kami pa ang mag dadala ng sariling papel na gagamitin sa pagsusulit). 

Last Subject at section na ni Ms. Malahimuyak, at excited siya na magsaya muli kasama ang mga estudyante niya. Pagpasok niya sa classroom ay nakita niya na bakas na sa mukha ng mga estudyante ang zombie apocalypse, dahil sa mga pagod at nananabik sa uwian, last subject na kasi. Nag mamadaling  mag set-up ng powerpoint si Bebang, late na kasi siya ng 5 minutes dahil napaidlip sa faculty room buti nalang may bumahing sa katabing table kaya nagising. “Mam wag na tayo mag lesson mag pahinga na po tayo!” hirit ng mga estudyante niya, na tila inaantok na dahil buong araw na daw silang ng aaral. May nag paawa pa na alasdose na daw ng madaling araw siya nakatulog dahil galing sa birthdayan ng barkada. At ang iba’y nananahimik nalang sa isang sulok at humihimbing na. Pero puno na ng kalyo ang puso ni Teacher Bebang hindi pinansin ang kalunos lunos na reklamo ng kanyang estudyante, at nag umpisa paring magturo. Pero patuloy parin nag mamakaawa ang estudyante, buti nalang may allies si Titser sa  front row ng klase at sila ang taga “shh...”. Nangati ang tenga ni Bebang, bumigat ang paghinga. Nagbabadang puputok ang bulkang pinaghalo halong, stress,pagod, puyat. Pinilit niyang i relax ang sarili, ngunit hindi napigilang lumabas ang mga salita sa kanyang bibig “ Ako nga wala pang tulog mula pa nung Friday eh” ... controladong mahinhin na sinabi niya sa esudyante niya. Pero hindi tumalab hiniritan lalo siya na mag pahinga. Pero hindi pwede, the show must go on ika nga, at muli inumpisahan niya ang presentasyon kahit nababakas na sa kanyang boses ang panghihina. Nilaksan na laman niya ang kanyang boses nang may nakinig siya sa likod na “ang kj naman ni snowwhite”

Kabaliktaran ng inaasahan at hinihintay na klase ni Titser ngayon, dahil ngayon siya nalang ang nag sasalita, walang nag rerecite maliban sa mga walang pagod na mga batang nais talagang mag aral na nagsama sama sa front row.  Ang iba pasimpleng nag dadaldalan sa  likod, ang iba naman ay nagtatago sa nakaangat na libro para umidlip. Meron ding naka tulala na tila natutulog na dilat na. Kaya ang pilit na ngiti ng guro na para sa pag tatangkang gisingin ang klase, ay tila icecream na nabilad sa araw, onti onting natutunaw ang tamis. Bumuntong hinganalaman ang dalagang guro at inisip...
 “bakit ito ang pinili kong trabaho.....”
“bakit ako nandito....”
“..... mahal ko ba talaga ang trabaho ko,bakit parang hindi naman ako masaya”

Tinignan niya ang grupo ng kabataang nasa harap niya, namay kanya kanyang mundo......

“dahil sa kanila, gusto kong mag silbeng lupa sa punong itatanim palang nila, punong lalaking matibay   
at makikipag sabayan sa lakas ng hanging ibabato sa kanila ng mundo, punong balang araw ay 
mamumunga at ipapamahagi ang prutas sa susunod na henerasyon. “

Nagkaroon na rin ng munting mundo si Bebang, nang inilibot ang tingin sa classroom...

“dahil dito... sa classroom na to,  maiibigay ko ang KAILANGAN ng mga batang to..., kahit na ang 
katumbas noon ay masabahing “KJ” dahil hindi ko ibinibigay ang mga GUSTO nila. Dahil dito sa 
classroom na to ay ang natitirang sukob nila sa ulang asido na lumalapnos sa katauhan nila. dito nila 
matutunan ang paghawak ng payong na proprotekta sa kanila, at higit sa lahat, ako ang magtuturo sa 
kanila....

Muling tinitigan ni Malahimuyak ang presentasyon....

“oo, hindi ko na mahal ang trabaho ko, kaya siguro napapagod na ako.Sino ba naman ang mag 
mamahal sa trabaho ko, kapiranggot ang sweldo minus gastos pa para sa gagamitin ko sa klase, at 
halos 8 (+16) hours na working time without pay, magpapamalfunction ng bodyclock ko, kya bente 
anyos palang eh mukhang kalaban na nila cinderella.  Pero walang magagawa dahil ang minahal ko 
ay ang mga  batang nakasama ko sa trabaho ko, mga batang makukulit, mga pilya at matitigas sa ulo 
na nagiging rason sa maagang pagkulubot ng balat ko, at makapal na make up. Malas lang, nakatali 
na ang puso ko sa kanila. Isang pag mamahal na dapat iniiwanan ko lang sa bahay dahil,ang 
pagmamahal ko sa kanila ang nagpapahirap na pagalitan sila,ang tumanggi sa mga luho nila, at ang 
pagmamahal na yan ang nagsisilbeng mabigat na bato na nakapatong sa espadang tatarak sa puso 
ko, sa tuwing sasabihan ako ng hindi maganda.Pero, Masaya ba ako?.. oo, dahil alam ko ganito man 
sila ngayon darating ang panahon na tatanda ang mga ito, magkakaisip, mag mamature at 
makakarating sa nais nilang marating, at kahit sa loob ng lng sampung minuto ng buhay nila,alam ko 
masasabi nilang: haha si mam snowhite nag turo sakin nito...”

Parang rosas na namulaklak ang ngiti ni Bebang, nagka split personallity na yata. Dahil tila nagtalo, 
ang napapagod at ang nagmamahal. At  kumbinsi niya ang kanyang sarili na muling ngumiti...

               “Uhm mam?” Umistorbo ang isang bata sa front row sa pa kikipag usap sa sarili ni Bebang,at 
nakuha ang pansin ng guro. Hindi nag salita ang estudyante pero nilingon niya ang mga ibang sectiong naglalabasan na nang classroom.... 


“ay anong oras na class?” tinanong niya sa kanyang klase, nang napansing niyang huminto sa alas dos ang kanya relo. 


Parang Ending ng plants versus zombies na nagkaron nang buhay ang mga estudyante. May sumisigaw pa nga ng “yes!” . Biglang umingay,natawanan,nagkaroon muna ng buhay..at sa likod may sumgaw,” MAM ALAS KWATRO!”