1.30.2009

Minsan sa tindahan ng nanai ko

1.30.2009
habang ng cocomputer ako, habang ng babatay naman ng tindahan nanay ko, nung meron akong nakinig na bumili... typical na mababaw na away sa tindahan, mag tatanong ng presyo, pag mas mahal ng piso, mag rereklamo, sagot ng nanay ko. dun ka sa iba bumili... tapos, nagmachine gun n ung bunganga nang ale.... "blah blah blah blah.. Tindera ka lang!"

"...Tindera ka lang!" durog! pinaka ayaw na sasabihin sa nanay ko... the usual ng init dugo nya.. sabay humirit ang nanay ko.. " at least sa akin tong tindahang to... at ako may ari nito... kaya may ipag mamalaki ako!" boom! parang binaril sa bunganga ung ale.. natahimik at mamaya maya... nag bitaw ng isang matinding "come back"! bagay na ikinatawa ko....(hahahah natatawa parin ako)....
kamote nalimutan ko na ung binawi.. pero di sa sinabi ako natawa eh... pumalag siya using ENGLISH WORDS! hahah tama! ininglish nya nanai ko! sabay walk out! HAHHAAH!....
wla lng na share ko lang... kasi meron moral lesson dun.... hahha

1.) Hindi match ang word na "tindera" at "lang" dahil malaking bagay ang pagiging tindera, pahirapan pero kaya nilang bumuhai ng isang pamilya... for short siya mismo! ang boss sa kanyang sariling business!

2.) Bakit naman kelangan pang mg english pag makikipag away! HAHA ano ang pinapatunayan nio!? magaling kayo mag english at HUGE ACHIEVEMENT na un pra maipag malake?! ahha.. ewan ko sa iba.. pero hindi nakakaintimidate skin un eh.. nakakatawa lang! HAHAHAH.... tulad nalang sa mga ibang sumasagot sa comments sa youtube about a music video na sobrng nilait ng ibang tao... na ipinagtatanggol nila in ENGLISH FORM! pra ano? not to look dumb? hahah.... wala lng na share ko lang.. peace out!

1.07.2009

GlenDenKenShow @ Left4Dead!

1.07.2009
Left 4 dead, game siya sa PC na sa kasamaang palad di kinaya ng computer ko at nakikilaro lang ako kina glen. By the way.. ito nga pala ang unang vid na nagawa namin.... pasensya kung medyo crappy pa siya.. medyo testing palang yan kasi eh... enjoi?! sana?!



there will still be part 2 of it kya uupdate ko nalang

1.03.2009

Kokak

1.03.2009
Tatlong Palaka nagaabang ng makakaing lanagaw....

Palaka 1: Kokak... mga tsong ang laki ng problema ko ngayon....
Palaka 2: pre pare pareho tayong problemado...
Palaka 3: Bakit ano bang problema mo....?
Palaka 1: Lovelife tsong...
Palaka 2 at 3: kokak....
Palaka 3: bakit ikakasal k na?
Palaka 2: lakas mo pre!
Palaka 1: gago... hindi pa....
Palaka 2: nakabuntis ka?
Palaka 3: pre.. sex life nia un di love life...
Palaka 2:bobo mo tol..di ba ng "mamake love" ang mag syota?.
Palaka 3: pag nakahuli ako ng langaw.. ititira ko sau ang utak.. mukhang wala ka na nun eh... Bakit mag asawa na ba sila para gawin un?... mag syota palang sila... libong lang ng katawan un...
Palaka 2: anga.....
Palaka 1: HOI hOI! AKO MERON PROBLEMA DITO? HaLLER! at kamote wala pa akong nabuntis kasi wala akong girlfriend...?
Palaka 2: anu un.. problema mo love life pero walang girlfriend...wahh! lalake type mo?!
Palaka 1: mukha mo!...hm.. ung mahal ko tsong... may mahal na iba.. sila na nga eh...
Palaka 2: hahahahah... eh mahal mo naman diba...?
Palaka 1: oo pre sobra...
Palaka 2 edi ipaglaban mo! Kunin mo sa syota...!
Palaka 3: bakit tol.. anong point...
Palaka 2: tanga. diba kung mahal mo ang isang tao, handa dapat siyang ipaglaban...?
Palaka 3: inutil lang gagawa nun...
Palaka 2: kaya single ka parin hanggang ngayon ganyan ka mag isip eh...
Palaka 3: Bakit mo siya ipaglalaban...? Para saan....?
Palaka 2: syempre... para makuha mo siya....
Palaka 3: Tsong. kung mahal ka ng isang tao... hindi mo na kelangan ibag laban. dahil gagawa rin siya ng paraan para sa inyong dalawa ang happy ending niyo..
Palaka 2: whatever
Palaka 1: kamote.. may point siya dun.. kaya nga hinayaan ko nalang eh...
Palaka 2 at 3: Ha?
Palaka 1 : Diba, kung mahal mo ang isang tao set her free..?
Palaka 2: un naman pala.. eh ano problema mo...
Palaka 1: aun.. nasalikod niya parin ako... nagmamahal at handang sumalo pag nabasag ang kanyang puso....
Palaka 2: *snap! nakahuli ng langaw* lakaso! martyr!....
Palaka 1: makita ko lang naman na masaya ok na sakin eh...
Palaka 3: eh ano ngayon ang napapala mo...
Palaka 1: wala.. ganun naman talaga diba. kung nagmamahal ka hindi ka dapat ng hihintay ng kapalit...
Palaka 3: ah ok... ganyan ka nalang.. sure tatanda kang binata...ang swerte naman nung babaeng yun....
Palaka 2: uu nga eh.. dahil may nagmamahal sa kanya ng lubos...
Palaka 3: medyo pero hindi un eh..
Palaka 2: dahil merong nagmamahal sa knya ng lubos?
Palaka 3:..... DAHIL.. hindi siya mawawalan ng syosyotain.. kung baga may nakapila....
Palaka 1: ....
Palaka 2:Kokak..
Palaka 3: sige sabihin na nating nawalan siya ng boyfriend ano gagawin mo..?
Palaka 1: sasaluhin ko siya....
Palaka 3: edi aware ka na magiging kayo dahil pusibleng "awa" lng kasi diba ang tyaga mo eh.. kung baga para matigilan ka lang..
Palaka 1: sooner or later matututo niya rin naman akong mahalin diba...?
Palaka 2: *snap* yum yum
Palaka 3: swerte mo kung oo...pero paano kung hindi...
Palaka 1: edi malas ko nalang... at list mas madaling mag move on ksi alam ko na may ginawa ako...
Palaka 2: *ngumunguya* tama.... ang problema kasi sayo tsong...takot ka lang masaktan...
Palaka 3: ....
Palaka 1: takot din naman ako...mas magiging masakit lang kasi pag alam kong wala akong ginawa eh...
Palaka 2: haha tama....
Palaka 3: pero dahil dun magiging bulag ka lang...
Palaka 2: siyempre love is blind eh....
Palaka 3:paano kung merong taong nag hihintay din sayo.. na mahal ka na at hindi ka nakelangan pang mamahalin....
Palaka 2: awts....
Palaka 1: mag hihintai parin ako.... dahil ayoko bumaling sa nag mamahal sakin dahil sa awa lang...
Palaka 3:....