12.29.2009

TImog kakahuyan

12.29.2009
Tila isang panaginip para kay prokorpyo ng dumating sila ng kanyang princesa sa timogkakahuyan. Unang beses palang nakarating doon ng binata kaya ang princesa ang nagsilbeng tour guide.Naging masaya ang binata sa pagkat ang gabing un ay ang kanyang bulong sa mga tala,na makasama ang prinsesa. Ibig niya sanang hawakan ang kamay ng prinsesa. Kaya tulad ng pinangako ng binata, ay siya lamang ay sumabay sa paglalakad ng dalaga, upang maiparamdam man lang, na kahit walang kamay ang humahawak sa kanya, ay meron paring taong nasa tabi niya. Ibat ibang magagandang lugar ang pinapakita ng princesa, ngunit iisang kagandahan lang ang nakikita ng binata. Sa bawat ngiti na inaalai sa kanya ng dalaga ay walang ibang katumbas na kagandahan. Dahil sa ngiti lang na yon ay maari nang kumompleto ng kanyang buong mundo. Madilim ang langit, pero ang mga ilaw na nag mumula sa paligid na ti.......

Ok,gawa na rin ng sobrang busy ko sa pag iisip ng gagawin sa labing anim na oras kong pagtunganga sa bawat sulok ng ng bahay namin, naisipan kong i log in ang tila namayapa kong blog. Iniisa isa ko ang mga nasa drafts ko at merong iisang hindi ko natapos, un ay ang nasa taas. Medyo wierdo siya kaya babaguhin ko nalang ng style ng kwento, gagawin ko nalang 1st person ang kwento

Gabi na ng nakaalis kami sa aking munting kubo, at mag mamadaling araw na ng nakarating kami sa Timog Kakahuyan. Unang beses ko lang nakarating doon at ako ay parang batang nakakita ng periswheel sa sobrang tuwa. Pero naisip ko, hindi sa mga kumukutitap na liwanag mula sa mga matataas na gusali nanggagaling ang saya sa loob ng aking dibdib. Pero dahil nandoon ako nakatayo sa pwestong yun, nakasama ang taong hiniling ko sa mga bituin. At sa gabing yun, ipinahiram nila sa akin ang kailanman hindi ko nakuha. Inalis ko ang tingin ko sa mgandang tanawin sa harap ko, at dahan dahang bumaling sa babaeng nasa tabi ko. Tahimik na pinanood, habang pinapakilala nya sa akin ang lugar na noon ko lang natapakan. At aaminin ko, ni isa sa sinabi niya ay hindi ko naintindihan... dahil iisa lang ang tumatakbo sa utak ko, na sawakas sa huling dalawang oras ng gabing yun, bumalik sa akin ang aking prinsesa. Nwala ang "momment" ko ng inaya na niya akong mag lalakad, doon ko lang napansin na sa pag eemote ko na yun, sampung sigundo lang pala ang lumipas, di ko napansin nag islomo kasi. Ipinasyal na ako, sa loob ng mga gusali, at kung ano ang ikinaganda ng labas, ay doble sa loob, maliwanag, maraming nakasabit sa kisame na tila mga diamanteng ng bibigay liwanag sa mga taong ng dadaan. Kaso Hanggng tingin lang rin ako kasi mga mahaharlika ang mga nakakasalamuha ko. Natapos ang aming pag lalakad, ng makita namin ang isang punong maraming alitaptap, ang kanilang mga ilaw ay tila nag sasayaw, at nagbibigay buhai sa isang simpleng puno. Huminto kami sandali doon para panoorin ang ganda na nasilayan. Pero hindi niya alam na hindi ko na kailangan tignan ang puno para lang masabi na nakita ko na ang tunay na kagandahan. At habang nalilibang siya sa ilaw na naghahabulan. Dahan dahan akong tumingin sa kanya, at pinanood ang nagiisang gusto kong makita sa gabing yoon. Ang kanyang ngiting nagpapagaan ng aking mabigat na nararamdaman, ang mga matang hinuhuli ang kumikislap na kulay. Nanahimik ang aking mundo, huminto ang mga tao, nawala ang mga ilaw, at ang tanging nakikita ko laman sa oras na yun ay ang babaeng nasa harap ko. Gusto kong hawakan ang kanyang kamay, gusto kong yakapin ng mahigpit at sabihin na sana hindi matapos ang gabing ito. Pero muling umandar ang oras, ng nakinig ko ang isang malakas na tugtugin. At doon, narinig ng bituin ang aking hiling. Ang kamay kong nilalamig sa simoy ng hangin ay nakaramdam ng isang mainit na haplos, haplos na matagal ko nang nais maramdaman muli, pero malakas mang asar ang langit, dahil kung kelan ko kailangan bumagal ang oras. Doon naman naging mabilis, hindi ko namalayan na bumibitaw na siya. Pinilit kong pigilan ang paglayo ng kanyang palad sa akin, ngunit ang kamay na yoon ay hindi sa akin, hindi ako ang nais niyang hawakan. Kaya hinayaan ko nalang na matapos ang panandaliang ilusyon na naranasan. Hindi ko namalayan na wala na kami sa tabi ng puno, sa harap ay nag sasayawang tubig, na tila mga diwatang nagbibigay ng aliw sa mga taong nanonood. At kahit bihira makakita ng ganong kagandahan. Pilit ko na bumabalik sa oras, oras na madaling lumipas. nahawak ko ang kamay niya.
Limitado ang gabi, at ang prinsesa ay dapat ng bumalik sa kaharian. At habang nakasakay na kami sa karwahe pauwi, tahimik siya lang siyang nakadungaw at nanonood sa mga nadaraanan. At ako namay nakasakay nga sa karwahe pero ang isip ay naiwan sa takbo ng oras. PIlit inaalala ang lumipas na. At ang masakit panoon, habang lumalayo ang karwahe sa aming pinang galingan at habang lumalapit sa pupuntahan, alam ko na ang panaginip na yoon ay malapit na ring mag wakas. Alam kong malapit na akong gumising, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at hindi bibitawan para kahit matapos ang panaginip ay makikita ko parin siya sa aking pag mulat.Pero bago ko gawin ang aking naisin, may bagay na sumagi sa isip ko.... "hindi ikaw ang nais niyang kasama... hindi ikaw ang gusto niang makita... hindi ikaw ang gusto niang yumakap sa kanya..." Nag dilim na ang paligid, siya nalang ang nasaharap ko, at dahan dahang lumalayo, at nawawala sa dagat ng kadiliman.Pero sa halip na isang dramang kanta ang maging background music.. *tooooot....tooooooot.....toooooot*.. tunog ng alarm clock ang naging opening song ko realidad

7.29.2009

July 30 2009....

7.29.2009
alas dose na ng umaga ng nagising ako,walang tao... Marahil kapatid ko nsa trabaho, ang isa nasa skwela, pati nanay ko wala malaman nasa palengke namimili ng paninda sa tindahan namin na nagiisang dahilan kung bakit meron pa kaming pangenroll at pangkain. Bumangon na ako sa kama, nagmumug dahil nag aamoi panis na kalawang na ang bibig ko. At syempre ng bukas ng PC, facebook, YM. Mamayamaya dumating na ang tatay ko, galing hospital nagbantay ng kapatid niya. Tinanong ko kamustah na si ninang?(ninang tawag ko sa tita ko kasi ninang siya ng kapatid ko). Sumagot ang tatay ko....

"wala na patay na..."

Natahimik nalang ako sabay click sa mouse. Nakakalungkot, aaminin ko, matindi ang sama ng loob ko sa kanya, pero hindi naman sa point na masasabi ko na "sana mamatay na siya".(Pero ung phrase na un ay inalaan ko sa mga tao na nsa kabilang kapitbahay namin, actually ang hiling ko para sa kanila eh "sana maghirap SILA ng husto,at dahan dahang mamatai sa sakit"(mabait pa ako sa lagay na yan kumpara sa ginawa nila)). Ka

Nakakalungkot kasi,kahit anong mangyari kapatid parin siya ng tatay ko.Nagalala rin ako, kaya pati siya napasama sa dasal ko,(although noon nlng ulit ako nagdasal muli). Pero wala rin, dumating ang umaga at nawala na rin siya.

Naisip ko, buti pa sina cory, kung tutuusin swerte na niya, milyon milyong tao ang nagdasal para sa kanya, para mabuhai kaya un hanggng ngayon buhai parin. Sa mantala sa tita ko, ako lang kaya Hindi siguro napansin. Swerte rin siya in a way na maypanggastos sila, kaya ngayon walang tigil ang pangggamutn. Sa tita ko kaso kinapos na yata ng dugo na ipapasa, wala na kasi kaming pangbili at ang mga tarandatong kapitbahay aun nagtago,(pati pautang ng simbahan tinago nila, pero itataya ko psp ko na sa pagdating ang burol, sila nanaman ang bida, kami ang nagpabaya, kami ang nangupit ng pera, sila.. naghirap.)

Ganun na ba dapat ngayon, dapat ba kilala ka at milyon ang taong magdarasal para sayo para umayos ang pakiramdam?. Dapat ba marami kang pera para mabayaran ang bawat inoorder sayo ng mga doctor. At dapat ba masama kang tao para matagal kang mamatai. Tama nga si ms Len, unfair talga ang buhai. Fighting spirit lang ang meron sa hindi sikat,walang pera at mabubuti. Nakakainis...

Kaya ninang, kung nasan ka man ngayon sana magbago ka na, wag kang mag alala kay AM, me may tatay pa naman siya para magalaga sa kanya...

tatay ipe, nanay ileng.... kayo na bahala kay ninang ah pagalitan niyo po siya.....

At sana sumunod na sa inyo ung nsa kabila.

7.08.2009

Makati ang makati

7.08.2009
o my gulay! sobrng tagal ko nang di nakagawa ng entry dito sa blogspot ah. Ganun talaga ang mga "busyminds" eh busy palagi ang mind. Kya pagod ang katawan, buong araw tulog.
Last week nagkaroon kami na accidentent adventure sa Makati, indemand daw kasi ang OJT sa branch ng *toooot*(di ko nalang sasabihin kung saan, may pinirmahan kasi ako about sa confidentially at di ko alam kung kasama to, at para maiwasan ko ang rehas at silya elektrica. itatago ko nalang sa sa pangalant tooot). So aun, ung araw bago kami umalis nanghingi kami ng sketch ng supervisor namin kung paano pupunta dun. Nung nakita ko ung papel na pinag drawingan niya, bigla ako ng remineses(wag koreken sa spelling sinadya ko yan, di ko kasi alam ung totoo eh hahaha). Naalala ko nung bata ako, meron akong kaklaseng nagdrawing ng mukha ni pikachu, pero sabi nya si wolverine daw. Akala ko picture ng pansit ang dinrawing ng supervisor, buti nalang hightech sa department, ng google earth nalang ako un nagets ko na ung drawing, mapa pala. Kaya umuwi na kami at kumain ng pansit kina aling donicia's carinderia.

Ayan na the big day, Call time namin 6:30 sharp!,dumating ako ng seven at nabuo kami ng 7:30, badtrip napaaga ako. So ayan na, usapan mag tren muna. Nag tren kami,mrt yata un(ung bago lang). Ok lang ang byahe... 14 php down nga lng. Bumaba kami sa Araneta center cubao station, naglakad papunta sa lrt naman. Nagwalgas naman kami ng 12 pesos dun, naghanap ng pwestong walang tao. Nakakita kami ng spot! walang tao! ok! luckyday na, jackpot pa!. 10 minutes lumipas kaming tatlo parin ang nasa spot n un, mga nagiinatay na iba anim na metro ang layo samin. Hmm, sabi ko sa kasama ko, area yata ng my swine flu ang tinatayuan samin. Ayan na ang tren! swin flu n kung my swine flu! basta kami makakasakay sa tren na WALANG kaagaw! 1...2...3 ang sakayan ng tren ang dumaan samin. Ang masama nun pati ung dulo lumagpas. Tama nga pang my swine flu pala talaga pwesto namin, anim na metro ang layo sa huling sasakyan.So, lumapit kami sa crowd, buti nalang di kami nilayuan. another 10 minutes Dumating na ang tren, un! nasa correct spot na kami!, holy adobo! jamppack!, swerte pa mga sardinas dahil anim lang sila sa latang pang pitohan. Dahil ang pang 40 na tao ay pinuno ng isang daan. Ayan na bumukas na ang pinto, lumabas na ang nasaloob kasabay ng pumapasok.Hmm... something fishy.... Lumabas na ang nasaloob kasabay ng pumapasok... Kung iniispin niya bigla ang "matter occupise space" na ang solid ay di pedeng i occupy ng isang solid kaya ipusible un. Well nasa pilipinas ka dood at sa Lrt tuwing rush hour, lahat pusible. Grabeh, bangaan mukha sa mukha, dibdib sa dibdib, itlog sa itlog. Ang gulo, at kaming tatlong malinenyo na tulog pa kapag rush hour na culture shock. Ganun pala mga tao sa umaga, feeling toro. Limang tran ang nagdaan samin bago gumana ang common sense namin at natutunan sa math if 1 tren is equal to 1 passenger minus singit sa linya equal 48 yrs. Sinakripisyo nalang namin ang dose pesos pambili ng ticket at umalis sa di sibilisyadong lugar. At plan C. ng buss kami, at dun dahan dahan tinangay ng condoctor ang 25 php. Mahaba ang byahe at para sa lulain na tulad ko, ang bawat minuto ay sing haba ng 5 minutes. Buti nalang malakas ako mag meditate at di ko napaangat ang inagahan kong piniritong itlog at c2. "ayan na dito n tayo!" sinabi ko sa katabi ko na sa kasalukuyang binabasa ang dinrawing na pansit ng supervisor namin. Itinuro ko ang isang malaking gusali nanakita ko sa googlemap. Nakita na namin ang peninsula hotel, isang palatandaan sa drawing ni sir na korteng sitaw. Tumayo na kami mula sa likod at pumunta sa harap. Di bukas ang pinto, di daw pedeng bumaba dun kasi hindi bus stop!,dyahe na obyus na 1st time lang namin sa makati at halatang nasanay sa batas ng recto! mga 5 minutes kami tumayo sa harap para lang makababa sa susunod na bus stop. Buti nalang may ale sa likod ko na nakisama sa pag iintay,di lang kami ang mukhang ewan. Huminto ang bus at sawakas nakababa rin kami, malayo layo rin ang inilagpas namin sa pupuntahan 10 minutes na paglalakad. At sa wakas, nakarating din kami sa paminta dun sa drawing ni sir.

Akala ko tapos na ang adventure namin sa makati, hindi pa pala. dahil dumating na ang oras na ayaw na ayaw naming dumating kapag nsa makati kami. Ang lunch break. Malayo ang byahe, at ang daming pinapagawa need namin ng enerhiya at isusuka kung sakaling malula ako. Naghanap kami ng makakainan, sa sobrang 1st time namin doon nalibot namin ang lahat ng mall sa may glorieta. At salamat sa mababait ng guard na handang sumakloklo sa mga tatanga tangang tanga sampaloc(buti nalang mga pogi hahah).
nakarating kami sa food court. Wow saucy! pa food court food court nalang kami!, tumitingin tingin kami ng ulam, holy patatas! ang mamahal!. Mukhang hinukay pa ni indiana jones ang mga sahog kya dinaig pa ang ginto sa presyo!. kahit gulaman lang sing presyo n ng sisig ni aling donisya at isang extra rice. Bahala na, kesa naman daliri namin kainin namin. at good bye 75php... at pang miryenda at pang hapunan. Tinagalan namin ng isang oras ang pagkain para malasap kahit bawat sahog ng kinain. BUmalik kami sa toooot at muling ng trabaho.

Sa wakas! 5 pm! dissmisal na! ngpaalam na kami sa supervisor dun at umalis. Sa baba my naghihintay samin, kapatid ng kaklase ko, at savior ko sa maze ng makati. Nakauwi kmi ng maaga kasi need pa namin bumalik kinabukasan.

Kinabukasan: maayos naman ang pagpunta namin, ng bus nalang kami kaya ung dating 14+12+25 n ginastos namin papnta naging 19 pesos lang. Laking tipid, natuwa ako kasi makakapag tuhog p ako ng kwekwe. Ok naman ang buong araw, ng stay nalang kami sa building ng tooot kasi baka magpahatid pa kami sa pulis para lang makabalik.
Sa uwian nga lang nagkatalo, dahil wla na ung kapatid ng kaklase ko, 6:00 kami nakapag out, 7 kami nakasakay. Saan kami ng isang oras?Imagining nio nalang ang isang experimental rat na naghahanap ng keso sa isang maze. T_T

5.02.2009

Limang bagay na dapat malaman sa author

5.02.2009
This tag was given to me by "ms. shel"

Rules:

1. Post these rules on your blog.
2. Share 5 facts about yourself.
3. Tag 5 people at the end of your post by leaving their name as well as links to their blogs.
4. Link the person who tagged you.
5. Leave a comment for each blogger.

so here's the five facts about me:

1. Negative thinker ako, kung gagawing literal un mero na sanang positive thinker na naka dikit sakit sa ulo ko. O kaya matagal na akong na developed (negative din kasi ang tawag sa film). Hindi ako emo, loner, aktibista, o kodak. Mas naniniwala kasi ako na isang bagay na makakasakit sayo ay ang bagay na inaasahan mong darating o mangyayari un pala bukas pa.. kinabukasan bukas ulit hanggng bukas forever and ever. "Expect for the worst" ika nga"....at least ng eexpect ka pedeng maging outcome, at least gagawin mo para maging maganda at maiwasan un...At sabi sa inyo.. ang sarap ng pakiramdam sa negative thinker ang nag kakamali...dahil napag handaan..

2. Marunong ako mag tipid. Hindi ako palagastos, kung bibili ako ng isang gamit kulang nalang umarkila ako ng doseng adviser para mapag meetingan kung gagastusin ko ang hawak kong pera, pero hindi naman praktikal ang advicer, at hindi naman ako presidente na walang sariling pag iisip at nangangailangan pa ng isang dosenang utak, kaya out ang advisers sa budget ko. oo! di ako kuripot!

3.Dahil ang number 3 ni shel ay "she hates math". Narealize ko ako rin, i hate math. Kung negative ako, araw ang math. Kung tsinelas ako, TAE ANG MATH. Kung pilipinas ako, gobyerno ang math. Walang ginawa kundi pahirapan ang madaling buhay,onti onting uubusin ang iyong kabataan at di mo mamalayan matanda ka na pala at hindi pa graduate. Pero ok din ang math, kasi siya ay exact science,challenging kaya nga ako ng engineering eh. Siguro i hate math lang talaga kasi sa sobrang math, tagalog ang blog ko.

4.Masayahin ako, palaging nakangiti, kaya siguro healthy ako at bihira magkasakit. Pero sabi nga ng iba, mas makikilala mo ang isang tao kapag makakasama mo siya sa bahay. Maliban lang syempre kung bahay yun ni kuya. Marami rin akong problema, at kahit na tanggap ko na hindi lahat ay kayang ayusin. Hindi ako tulad ng iba na gagawing miserable ang buhay ko, mang dadamay ng iba, magpapapansin at ipag sisigawan na "may problema ako! gusto ko ng mamatay!pansinin nyo ko!.... please!". At proud akong sabihin na mature na ako para maglaslas hanggng magically mawala ang "chalengers ng buhay". Ang problema ko akin lang at ako ang aayos, ang outlet ko...Kaibigan ko, tamang dota lang with revenjers, or inuman with "destiny friends(sorry si kenneth nagpangalan nyan)tangal na ang patalim nanakatarak kaya madali nang gamutin ang sugat.

5. Idol ko mga kapatid ko... Astig talented, sumpa yata yan pag ng iisa kang lalake, kung baga kung talented ang kapatid mo, ikaw ung inverted. Ung bunso astig mag gitara-slash-piano, nasa banda, ako nasa audience. At ung sumunod sakin (na graduate na, kasi wala siyang MATH!) Galing mag sulat, oo sorry mister bob ong di kita idol, dahil mas pipilahan ko ang kapatid ko para magpautograph ng ginawa nya.

So yana! 5 facts about sakin, Konti lang ang kilala ko sa blogspot kaya ang itatag ko ay (KENO, Blogger#2, Blogger#3, Blogger#4, Blogger#5)

5.01.2009

L . O. L.

5.01.2009

Ok, medyo la pa akong maisip kung ano lalagay sa post ko kaya ito muna konting patalastas!...



HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAH

galing sa www.failblog.com

4.12.2009

Paunawa:Sa mga makakabasa nito IMPORTANTE

4.12.2009
Dahil sa sobrang ka innocentehan ko dito sa blogspot, hindi ko alam na mawawala ang lahat ng nsa list ko kapag ng bago ako ng themes.. so ayon, muli wala nanamang kaibigan ang blog ko, at maari laman na iwan ninyo ang inyong link kung like nio ulit idagdag ang extrabols na blog na ito... maraming salamat po sa inyong lubos na pag unawa.. paalam

4.10.2009

100 truths

4.10.2009
001. Name → Jan Denmark
002. Nickname(s)→ janjan, denden janden den pogi
(Where is number 003???)
004. Zodiac sign → LeO
005. Male or female → Male
006. Elementary → Nazareth School
(Where is number 007???)
008. High School →Nazareth School
009. College School → i study at paris.... Paristearn University Feu It's Asia college
010. Hair color → Dark Brown
011. Long or short → Long
012. Loud or Quiet → Quiet
013. Jumpers or Jeans → Jeans
014. Phone or Camera → Camera...
015. Health freak → Nope....
016. Drink or Smoke? → Both
017. Do you have a crush on someone? → yup... i like sticky note girls! HAHAH ang nerd mo keno!
018. Eat or Drink → Both
019. Piercings → none
020. Tattoos → None
021. Social or Anti-Social → both lng,...
022. Righty or Lefty → Righty

FIRSTS:
023. First piercing →none
024. First best friend → Stef Francisco<--- lakaso....
025. First award → hindi ko na tanda...
026. First crush → pamela rose... ay nalimutan ko n apelyido.. bsta kinder un...
027. First relationship → haha
028. First pet → bulate sa tsan. no choice eh
029. First big vacation → ewan
030. First big birthday → la akong gnun
(Where is number 031???)
032. First Surgery → Tule
033. First sport you joined → Basketball

THIS or THAT:
034. Orange or Apple juice → Orange
035. Rock or Rap → Rock
036. Country or Screamo → Screamo.. AHAHAH screamo amf.. me gnun ba hahah
037. NSYNC or Backstreet boys →power rangers...
038. Britney spears or Christina Aguilera → christina nalng hhaha
039. Night or Day → night...
040. Sun or Moon → edi moon... night pinili ko sa 39 eh
041. TV or Internet → Both
042. Playstation or xbox → playstation
043. Kiss or hug → both
044. Iguana or turtle → Turtle na ninja
045. Spider or bee → Spider
046. Fall or spring → Fall
047. Limewire or iTunes →torrent
048. Soccer or baseball → soccer

CURRENTLY:
049. Eating →None
050. Drinking →None
051. Excitement Level → frustrated...gusto ko na ulit mg ka GF!
052. I’m about to →continue my group project... na magisa... dahil ng babaksayon ung dalawa amf
053. Listening to → sound ng bisekleta ng tatay ko
054. Plans for today → Look for a girlfriend.
055. Waiting for → my own sticky note girl...(panoorin nyo fated to love you kung bkit)
056. Energy Level → 12......12.4.......10.....6........2......%
057. Thinking of someone →none

YOUR FUTURE:
058. Want kids? → yup
059. Want to get married? → oo
060. When? → pag kaya ko ngbuhayin ang mamahalin ko
061. How many kids do you want → kahit elan bsta kya kong buhayin
062. Any name on the mind → "nobody" para perpekto anak ko
063. What did you want to be when you were little → astronaut pero lulain ako kya naging scientist, pero walang ganong kurso kya maging artis.. magastos daw at wlng kita. kya aun.. Computer engineering, pero wla daw nun dati sa FEU at 2 week nlng pasukan n at wla pa ako school aun... ECE....
064. Careers in mind → SUCESSFULL ENGINEER
065. Mellow future or wild → Wild!!!
066. Something you would never try → stop doing what anything i can
067. When do you want to die → Kung pede sana aabutan ko ang apo ko...

WHICH IS BETTER IN THE BOY/GIRL YOU LIKE?
068. Lips or eyes → lips
069. Romantic or Funny → Romantic yet Funny
070. Shorter or taller → Shorter
071. Protective or Caring →Caring
072. Romantic or spontaneous → romantic nga eh
073. Nice stomach or nice arms → both
074. Sensitive or loud→ hmm... medyo yoko ng skandalosa pero tae ayoko nmn ang araw araw umiiyak....
075. Hook-up or relationship → depende sa anster sa 078
076. Trouble maker or hesitant → wala...
077. Muscular or Normal → normal.. haha
078. Kissed a stranger →hahahahha
079. Broken a bone → uu ngipin ko

HAVE YOU EVER:
080. Lost glasses/contacts → nope
081. Ran away from home → ahaha dalawa lang gagawa nun, ang kayang buhayin ang sarili at tanga... la pa ako sariling trabaho at sure akong hindi ako tanga...

082. Held a gun/knife for self defense → no need
083. Killed somebody → sana... hahah
084. Broke someone’s heart → yup...
085. Been arrested → Yes... illegal possession of CUTE face!<--- korny nmn ng sagot n yan.. classic...
087. Cried when someone died → Yes…
088. Liked a friend more than a friend → yup....

DO YOU BELIEVE IN:
089. Yourself → uu! gogo fighting spirit!
090. Miracles → nope....
091. Love at first sight → nope... there is no such thing...dahil msasabi mong mahal mo tao pag tanggap m na kung sino at ano sya,,,

092. Heaven → nope... but i was hoping to be proven wrong when time comes
093. Santa Claus → bata ako...
094. Tooth Fairy → napanood nyo b ung jessica soho? ung ng huhukay ng patay pra sa ngipin? yup.. they do exist....

095. Kiss on the first date → yup...
096. Angels → haha...pag ng "no" ako mag cocontradict sa previous post ko eh haha

ANSWER TRUTHFULLY:
097. Is there one person you want to be with right now → yup
098. Are you seriously happy with where you are in life → nope.. not yet...
099. Do you believe in God → ahaha... oo...?
100. Post as 100 truths and tag 20 people – I want to tag the following and I hope you guys answer this:
kamote kahit sino pede! HHAA

4.02.2009

Halik Ni Hudas

4.02.2009
Mga asong naloloko
Nagpapanggap na tao
Mga pangakong matamis
Puro langaw at ipis
Sa bawat tabi at sulok
Pagkatao'y nabubulok
Nakalubog na sa kabaong
Lalo pang binabaon
( CHORUS )
Tao sa pangil ng buwaya
kapangyarihan ng halik ni hudas
Ubos nang mga bayani
Mga duwag ang nalalabi
Kunwari'y matatapang
Ihahango sa kahirapan
Kukunin niya lahat sayo
Isip at kaluluwa
Pagkatao mo'y papasukin
Tapos dudurugin
( REPEAT CHORUS )
Magtiwala ka sa akin
Kaligtasan mo ako
Dito ka susunugin
Sa aking paraiso
Sumunod sa mga utos
Mga lason na pangako
Ang kanyang mga kamay
Mga batong pumapatay
Kaibigang nakaitim
Dadalhin ka sa dilim
Magpailalim sa kanya
Nakatali sa kadena

Isa sa mga tugtog sa mp3, nailagay ko yan kasi astig pala ang lyrics. Dahil mag isa akong naglalakad nun sa may lepanto papasok. Ng "emo" mode ako at napaisip. Astig ang kanta, ayos sa mensahe.
Naalala ko nung tinanong ko isa kong kaibigan, dahil sumali siya sa voluntary works ng redcross sa quiapo. Tinanong ko siya, bakit siya nasali dun, dahil ba sa tsiks, dahil requirement o dahil, baka discover sa TV at gawing contrabida ni jingoy estrada sa kanyang pang famas na palabas.Eh para namang kasing "sayang lang" wala kasing sweldo. Tinawanan lang ako ng macho kong kaibigan, hindi daw para sa lahat un, at altough idol niya si jingoy, gigising lang daw siya ng maaga, at lalakarin ang nakakatamad na mahabang lakaran, pero wala daw sayang dun kasi gusto niya ang ginagawa niya at gusto niya ang nagiging epekto, nakakatulong siya sa nangangailangan at ok na ang "thank you, zesto at cupcake" pra maging sweldo. Ok, kahit na sa loob ko, nakakatamad parin kasi walang sweldo. May point siya. ganun naman kasi talga. Ganon naman talaga dapat. Sana nga sa loob ng 460000+ na nurse students na nag tatatapos ay gaganon ang dahilan kung "bakit nursing", ang sarap sigurong magkasakit, kasi alam mong natural ang alagang un, at higit sa lahat mura ang pahospital. Malas lang, di lahat ng 459999+ na nursing na yun eh yun ang purpose..."dahil indemand"daw", madali "daw" makapag abroad, at ang iba, marami kasi tsiks.
At kung ako papipiliin, kung merong isang trabaho ang aalisan ng sweldo,.. un na dapat ang gobyerno... bakit? dahil siyempre kung wala na silang sweldo, ung mga "dedicated" nalang talaga ang mangangampanya sa eleksyon.At sigurado ako, mababawasan ang mga plastic na mga ngiting aso na naka dikit sa pader.

Pero ang totoo nyan kung bakit ko napansin ang kantang "halik ni hudas" ay may pumasok na essay questions sa utak ko. kya get 4 pcs of yellow paper, ang fold it at the middle. NO BORROWING OF CALCULATORS AND BALLPEN!, at kung sinoman ang naiihi ay ngayon ang oras para lumabas, bawal nang umihi sa pag susulit, kung sino mang may gustong mag handa ng plastic para sukahan ay isabit lang ito sa gilid ng silya.. ilabas ang permit para ma check....
ang mga tannong....

"bakit ang mga taong nahalikan ni judas ang namumuno ng bansa, at ang nahawakan ng kamay ng diyos ay nagiging hostage at napapagbantaang pupugutan ng ulo..."

"ang mga nahawakan ng kamay ng Diyos ang nakikipag laban at nasasaktan sa giyera, at ang nahalikan ni hudas andun sa kanila kanilang mga bahay, nakaaircon, at nanonood ng pelikula nila"

"bakit ang mga ng mamahal sa kamay ng Diyos nagugutom, ang iba swertehan ng makakain ng miryenda.... at ang nahalikan ni hudas! DISPERSYA NG IBA ANG PINOPROBLEMA!.."

"Bakit kelangan pang mamatay ang martyr para lang ipagtanggol ang tama!, habang masasama, ng eenjoy sa panonood ng naghihirap!"

"BAKIT AMF BAKIT! ANG MASASAMANG DAMO ANG MATAGAL MAMATAY!...."....
"AT ANG MABABAIT ANG KINUKUHA NI LORD!!!!"

"sino ba ang may karapatan mabuhay sa mundo! mga anghel na walang pakpak.. o ang mGA nakamaskarang DEMONYO!?!"


*hingal... hingal.....*

3.19.2009

AwaY KuNo

3.19.2009
Habang Busy ako sa pag susunog ng kilay at pag papahid ng dugong tumutulo sa ilong ko kakaenglish sa pag gawa ng thesis na konting tulog nalang para i defence. natigil ako nung may nakinig akong sumisigaw sa labas. Una di ko pinansin dahil hindi naman "balot" ang sinisigaw. Isang babaeng kutob ko eh tindera sa palengke lang ang ginagamit ang kanyang "semi automatic bunganga"and ammunition laway at mura, hindi ko alam kung ano pinag sisigay pero ngka"clue" ako na nakikipag away siya nung may nabasag na bote, at may army palang siyang kasama. Yun ok sa alright! action to! Kaya naligtas ang kaliwang kilay ko sa pag kakasunog nung tumayo na ako sa inuupuan ko. Amf, naunahan ako ng tatay ko sa "frontseat" andun na siya sa may pinto, kya no choice sa likod nya ako. Pinanood ko ung maga "pagasa ng bayan dapat" oo mga kabataan din (tulad ko.. oo bagets pa nmn ako), isang palikera yata na babaeng nag wawalang gustong sumugod sa "kaaway" yeah! cat fight... pero.. wtf.! pumupunta siya sa opposite direction!. Gusto ko sana sumigaw ng "miss nasa likod ang kaaway mo"! pero di nalang gabi na kasi at maitim ung babae, di ko alam kung nasan ang harap at likod nya. kaya naging good audience nalang ako at nanood... takbuhan pakaliwa ang lahat habng ng hahamon ng one on one daw, mamaya nung wla na ang kampo ni (itatago nalang natin sa pangalang BETTY di ko rin kasi kakilala eh) Betty, andyan n ang kakampi ng kaaway nya, aba ng tawag pala. kanya kanyang granadang gawa sa bato at bota ang hawak!, kulang nalang si andres bonifacio pede nang reinakmet ng gyera na napapanood ko sa bayani, kaso may nakita ako may panyo sa bibig, ay reinakment yta to ng naruto. So un, nanahimik ang tapat bahay namin, dahil di umaalis ang tatay ko sa pinto at wla rin akong tsinelas limitado lang view ko... dun pala natapos ang ACTION, next comedy na... Nagstart ng my pumutok.. unang putok, kala ko sumpak.! YUN! sana me patay, kaso napanghinaan ako ng loob dahil nasundan ng tatlo. amf mukhang warning shot lang yata ng security sa isang estasyon yta ng bus mamaya maya, ung mga "pagasa" ng bayan.. ayan n ulit( ung kampo ng kaaway nung babaeng maingai) umaatras, sa pag atras sumisigaw na (tinatago nalang ntin ang gang na singaw sa pangalang POWER rangers) Power rangers! bulok! power rangers duwag!, habang umaatras siya buong tapang siyang sumisigaw! POWER RANGERS BOBO!, at isa pang kasama naya ang nag bigay rason sa biglaan pag bloblog ko. Sumigaw ang kasama niya "SIGE IPUTOK MO SAMIN YAN GAGO!" 3 times nya sinigaw un hanggang makarating sa kanto, ayan. sakto, tigdulo na sila ng kausap niya. Diba ang courageous aba di lahat masasagawan ang taong me baril na iputok sa kanya noh

3.14.2009

ON THE LATEST SURVEY RANKING PHILIPPINES NO. 1 IN CORRUPTION IN ASIA; IT CANNOT BE POLITICS AS USUAL

3.14.2009
With Malacañang brushing off the latest survey results revealing RP as d most corrupt country in Asia, Senate Majority Leader and Independent senator Kiko Pangilinan today called on Malacañang to "stop turning a blind eye on reality."

"There is nothing in that survey that we don't already know. We can't deny the fact that corruption has reached monstrous proportions and eaten the Philippines." Kiko said.

"They say in any illness, the first step to recovery is admitting there's a problem. If Malacañang continues to paint a rosy picture of d situation for its selfish convenience, we will never move out of this predicament. Kumbaga sa nagmamaneho, naliligaw na,ayaw pang huminto at magtanong ng direksyon,"Kiko added.

"This goes for all our national leaders regardless of political inclination. The national leadership has collectively failed us because it has not offered the people an alternative. We must look for political leadership that will focus on new methods, new approaches, and new paradigms. We must work towards public sector private sector partnerships for good governance. This is the challenge to citizens as well who are tired of politics as usual the politics of greed, corruption, patronage and the politics of convenience. Our proposal to create a Joint Judiciary Executive Legislative Advisory and Consultative Council (JELACC) will deliver justice in the most expeditious manner possible. Only when we punish more and punish swiftly will there be genuine respect for the rule of law. We must find a way to reduce the average case life from 6 years to say 2 to 3 years in the next 5 to 7 years. Ensuring the swift disposition of cases will strike fear in the hearts of would be criminals that in fact cases are resolved and the guilty punished. Let's not deny what this latest survey is: an embarrassing wake up call that we all need to address. We need to move away from politics as usual. It's time we put our people first," Kiko ended.

-source:http://www.senate.gov.ph/press_release/2008/0312_pangilinan2.asp

now there you have it...astig tlga pinas, na Guinness n nga as (most murder cases) meron p plang most corrupt in asia!... haha buti nalng nasatin ang most longest longanisa at pinakamaraming ng sipilyo ng sabay sabay... kya meron p rin tayong ngiting maiiharap.

kaya masarap mag payaman sa pinas. kasi pag mayaman ka mayaman talaga malas lang ng mahirap kasi mas humihirap.

3.11.2009

DOTA Vs. GF

3.11.2009
si DOTA isa lang sa mundo,
GF napakarami niyan.

si GF iiwan ka din niyan,
si DOTA hindi.

si GF nagagalit pagnagdodota ka,
si DOTA hindi nagagalit pag nagGF ka.

si DOTA P20 lang masaya na,
si GF baka P200 hindi pa masaya.

pagnakakakita ka ng ibang Hero hndi nagagalit si DOTA,
pero pagnakakakita ka ng ibang babae nagagalit si GF.

si GF pag iniwan mo mahirap na balikan,
si DOTA pag iniwan mo, handa ka parin tanggapin.

Ano mas gusto mo DOTA o GF?
mag-isip ka na....

GIRLFRIEND: Bakit ang DOTA ba maroromansa ka?
DOTA: Bakit mabibigyan k b ng gf ng
3pleng sarap pag naka 3ple kill ka?

GIRLFRIEND: Bakit ang Dota ba kayang kompletuhin ang pagkatao ng isang lalake?
DOTA: Bakit kaya ba ng babae gawing GODLIKE ang isang lalake?

BUT they have 1 thing in common
un ay lagi clang anjan pag me problema ka. Pag natalo ka sa pustahan sa dota cno magpapasaya sau GF dba? Pag nagkaproblema k naman sa GF cno magpapasaya sau DOTA dba?

isa lang ang comment ko.... HAHAH napaka NERD-slash-Geek mo na kung kukumpara mo babae sa DOTA NO!? HAHAAH.. although para kang na bato ng magic missile pag nagalit GF mo at makipag swap sa kahit kanino pag ng away n kau hahahah *wenk wenk wenk*

3.05.2009

GlenDenKenShow @ 300!

3.05.2009
One of our another show, actually a month n to since nung ginwa eh hhahah enjoi!

Part 1

Part 2

Emong survey daw

1 . What is more difficult: looking
into someone's eyes when telling how you feel, or looking into someones eyes
when they tell you how they feel?
-syempre looking into someone's eyes when they tell me what they feel.after telling someone how you feel.
2. Think of the last time you were
angry. Why were you angry?
-wla i forgot.
3. You will die in three minutes. Last
call and what will be your msg to
him/her?
- Bye.
4. If you could do anything OR wish
anything, what would it be?
- Fly...
5. You can have one of the following
two things: trust or love
-Love,kasi package deal na ang trust dun, pero ang pinag kaiba is, my "love" it means meron din pra sa sarili mo, the problem for the people giving the 100% trust eh. nagiging single mom.
6. Would you or have you ever
blackmailed someone?
-uu, pra nmn bago ako mamatay me na blackmail ako no hahha
7. Who is the last person you've
thought?
-
8. Are you the kind of friend that you
would want to have as a friend?
-uu?ewan
9. Would you sleep with someone if u had the chance?
- uu hahaha
10. Are you old fashioned?
-nep
11. What would be harder for you, to
tell someone you love them or that you
do not love them back?
-tell someone i love em, kasi bkita mahirap sabihing di mo mahal ang tao kung di mo naman mahal.
12. What would be the hardest
thing for you to give up?
-everything
13. Romantic love, when was the last
time you told someone you loved them?
-ewan
14. Imagine. It is a dark night, you
are alone, it is raining outside, you
hear someone walking around outside
your window. WHO do you wish was there
with you?
-isang sexy na babae wohoo! wet and wild! HAHAHAHAH
15. Would you give a homeless person
CPR?
-siyempre hindi, una di ako marunong mag CPR pangalawa, ano naman paki ko dun, inaagawan nga ako ng pag kain eh..
16. You are holding onto your
grandmother.
-huh?
IF YOU HAVE 3 MONTHS TO LIVE:
17. Are you going to tell everyone
that you're going to die?
-yep, pra special treatment. ahah "mamamatay na si den, malibre nga ng yellow cab tong asshole n to" hahaha... besides emo lang ang mag lilihim,
18. What do you do with your remaining
days?
-to give everything to the one i love.<--- haha! ok sna! pero please! sna di "bf/gf" ang binabanggit niya kasi....HAHAHHAHAH
19. Would you be afraid?
-nope... why would i. kahit malagas ang buhok ko sa takot di na hahaba buhai ko..
20. Whose life are you willing to
sacrifice your life in order for him/her to live?
-people i love

2.16.2009

If I Were A Boy (Remix) (ft. R. Kelly)

2.16.2009


If I were a boy
even just for a day
I'd roll out of bed in the morning
and throw on what I wanted and go

Drink beer with the guys
and chase after girls
I'd kick it with who I wanted
and I'd never get confronted for it
cause they stick up for me

If I were a boy
I think I could understand
How it feels to love a girl
I swear I'd be a better man
I'd listen to her
Cause I know how it hurts
When you lose the one you wanted
Cause he's taking you for granted
And everything you had got destroyed


If you were a boy
then girl you'd understand
you need to stop listening to your friends
love, respect and trust your man

So I go to clubs with the guys
and sometimes flirt with the girls
I should be able to roll out
as long as Im coming home to you
and give you the world

But you are not a boy,
so you dont have a clue (ey)
How I work and pay the bills
girl everything I do is for you (eh eh)


I'd listen to her
Cause I know how it hurts
When you lose the one you wanted
Cause he's taking you for granted
And everything you had got destroyed

If I were a Boy

If I were a Girl

I would turn off my phone

I wouldn't play games

Tell everyone it's broken
so they'd think that I was sleeping alone

Girl you know thats wrong


I’d put myself first
and make the rules as I go
Cause I know that she’ll be faithful,
waiting for me to come home, to come home.

But you are not a boy,
so you can't understand
You are not a perfect woman
and I am not a perfect man

I'd listen to her (eh eh)
Cause I know how it hurts (Kelly: and I know how you feel)
When you lose the one you wanted
Cause he's taking you for granted
And everything you had got destroyed

Said Im sorry

It's a little too late for you to come back

but I cant let you go
cause Im too attached

If you thought I would wait for you
you thought wrong

But you're just a boy






The original show show how a girl is having a hard time...
But if they'll at least try to listen closely to their man... they'll realize that behind the original song.. is a remix... heheh

Survey Amf

if you opened it, you have to do it Or a loved one will be in an accident
Even if you didnt mean to open it, still do it!
You must answer every question TRUTHFULLY

1. Two names you go by?
Den,den gwapo
2 Two things you are wearing right now?

Brief,Shorts...
3. Does someone love you?
today?.. nobody did.<---- whoever answered that must be REALLY lonely, ako mahal ako ng magulang ko...

(haha ang inutil mag bilang eh ahaha 3-5)

5 Have you ever licked a photo ?
UU nung bata ako. pinag laruan ko id photo ko, dinilaan tpos dinikit sa pader...

6. Have you ever been in LOVE?
Yup....
7 Do you believe that every one has a soulmate?
nope... dahil kung totoo yan, bkit marami paring nasasaktan... dahil ba napamahal ka lang sa "maling tao?" edi gnun din diba swertehan parin... so anong silbe ng "soulmate?" pang padagdag ng "sweetness" points sa pangbobola?

8 What' s your current problem?
Thesis
9 Have you ever had your heart broken?
yup.... cuz once i believed that i had a soulmate...

11 Are you a loser ?
> no.. pero ung nag gwa ng survey nito... 10 po ang kasunod ng 9....
13] What is/are your favorite colors?
Black, Red, white
15] Have you ever found it hard to tell anyone you like them?
nope... but telling them i love em.. un ang mahirap...especially you already told it before but failed in provin it...
16] Imagine you're 40 & your spouse just died would you get re- married?
depende...
17] At what age did you start noticing the opposite sex?
kinder.. hahha, di ko na alam edad ko nun
18] What song do you want played at your wedding?
> CANNON! AMF!
19] Do you like anyone?
> nope
20] Do you think the person you like likes you back?
> no...
21] Have you ever wrote a love song? poem?
> yes.
22) Do you want to get married?
> not yet
23) Are you a shy person?
haha uu...
24) Did u have a good day today ?
12 am n ngayon so basically ng uumpisa palang araw ko
25) Where did u just get back from?
bahay
26) What are you thinking about ?
putang inang lovelyf yan! hahaha
28) Would you ever go back to any of your past relationships?
> no...why would i go back for the past...
29) Who's the closest person to you?
> ...
Now post this as "29 Love Questions" repost this And something good will happen

Damn i hate this surveys... kelangan pa bang manakot wahehhe...