7.08.2009

Makati ang makati

7.08.2009
o my gulay! sobrng tagal ko nang di nakagawa ng entry dito sa blogspot ah. Ganun talaga ang mga "busyminds" eh busy palagi ang mind. Kya pagod ang katawan, buong araw tulog.
Last week nagkaroon kami na accidentent adventure sa Makati, indemand daw kasi ang OJT sa branch ng *toooot*(di ko nalang sasabihin kung saan, may pinirmahan kasi ako about sa confidentially at di ko alam kung kasama to, at para maiwasan ko ang rehas at silya elektrica. itatago ko nalang sa sa pangalant tooot). So aun, ung araw bago kami umalis nanghingi kami ng sketch ng supervisor namin kung paano pupunta dun. Nung nakita ko ung papel na pinag drawingan niya, bigla ako ng remineses(wag koreken sa spelling sinadya ko yan, di ko kasi alam ung totoo eh hahaha). Naalala ko nung bata ako, meron akong kaklaseng nagdrawing ng mukha ni pikachu, pero sabi nya si wolverine daw. Akala ko picture ng pansit ang dinrawing ng supervisor, buti nalang hightech sa department, ng google earth nalang ako un nagets ko na ung drawing, mapa pala. Kaya umuwi na kami at kumain ng pansit kina aling donicia's carinderia.

Ayan na the big day, Call time namin 6:30 sharp!,dumating ako ng seven at nabuo kami ng 7:30, badtrip napaaga ako. So ayan na, usapan mag tren muna. Nag tren kami,mrt yata un(ung bago lang). Ok lang ang byahe... 14 php down nga lng. Bumaba kami sa Araneta center cubao station, naglakad papunta sa lrt naman. Nagwalgas naman kami ng 12 pesos dun, naghanap ng pwestong walang tao. Nakakita kami ng spot! walang tao! ok! luckyday na, jackpot pa!. 10 minutes lumipas kaming tatlo parin ang nasa spot n un, mga nagiinatay na iba anim na metro ang layo samin. Hmm, sabi ko sa kasama ko, area yata ng my swine flu ang tinatayuan samin. Ayan na ang tren! swin flu n kung my swine flu! basta kami makakasakay sa tren na WALANG kaagaw! 1...2...3 ang sakayan ng tren ang dumaan samin. Ang masama nun pati ung dulo lumagpas. Tama nga pang my swine flu pala talaga pwesto namin, anim na metro ang layo sa huling sasakyan.So, lumapit kami sa crowd, buti nalang di kami nilayuan. another 10 minutes Dumating na ang tren, un! nasa correct spot na kami!, holy adobo! jamppack!, swerte pa mga sardinas dahil anim lang sila sa latang pang pitohan. Dahil ang pang 40 na tao ay pinuno ng isang daan. Ayan na bumukas na ang pinto, lumabas na ang nasaloob kasabay ng pumapasok.Hmm... something fishy.... Lumabas na ang nasaloob kasabay ng pumapasok... Kung iniispin niya bigla ang "matter occupise space" na ang solid ay di pedeng i occupy ng isang solid kaya ipusible un. Well nasa pilipinas ka dood at sa Lrt tuwing rush hour, lahat pusible. Grabeh, bangaan mukha sa mukha, dibdib sa dibdib, itlog sa itlog. Ang gulo, at kaming tatlong malinenyo na tulog pa kapag rush hour na culture shock. Ganun pala mga tao sa umaga, feeling toro. Limang tran ang nagdaan samin bago gumana ang common sense namin at natutunan sa math if 1 tren is equal to 1 passenger minus singit sa linya equal 48 yrs. Sinakripisyo nalang namin ang dose pesos pambili ng ticket at umalis sa di sibilisyadong lugar. At plan C. ng buss kami, at dun dahan dahan tinangay ng condoctor ang 25 php. Mahaba ang byahe at para sa lulain na tulad ko, ang bawat minuto ay sing haba ng 5 minutes. Buti nalang malakas ako mag meditate at di ko napaangat ang inagahan kong piniritong itlog at c2. "ayan na dito n tayo!" sinabi ko sa katabi ko na sa kasalukuyang binabasa ang dinrawing na pansit ng supervisor namin. Itinuro ko ang isang malaking gusali nanakita ko sa googlemap. Nakita na namin ang peninsula hotel, isang palatandaan sa drawing ni sir na korteng sitaw. Tumayo na kami mula sa likod at pumunta sa harap. Di bukas ang pinto, di daw pedeng bumaba dun kasi hindi bus stop!,dyahe na obyus na 1st time lang namin sa makati at halatang nasanay sa batas ng recto! mga 5 minutes kami tumayo sa harap para lang makababa sa susunod na bus stop. Buti nalang may ale sa likod ko na nakisama sa pag iintay,di lang kami ang mukhang ewan. Huminto ang bus at sawakas nakababa rin kami, malayo layo rin ang inilagpas namin sa pupuntahan 10 minutes na paglalakad. At sa wakas, nakarating din kami sa paminta dun sa drawing ni sir.

Akala ko tapos na ang adventure namin sa makati, hindi pa pala. dahil dumating na ang oras na ayaw na ayaw naming dumating kapag nsa makati kami. Ang lunch break. Malayo ang byahe, at ang daming pinapagawa need namin ng enerhiya at isusuka kung sakaling malula ako. Naghanap kami ng makakainan, sa sobrang 1st time namin doon nalibot namin ang lahat ng mall sa may glorieta. At salamat sa mababait ng guard na handang sumakloklo sa mga tatanga tangang tanga sampaloc(buti nalang mga pogi hahah).
nakarating kami sa food court. Wow saucy! pa food court food court nalang kami!, tumitingin tingin kami ng ulam, holy patatas! ang mamahal!. Mukhang hinukay pa ni indiana jones ang mga sahog kya dinaig pa ang ginto sa presyo!. kahit gulaman lang sing presyo n ng sisig ni aling donisya at isang extra rice. Bahala na, kesa naman daliri namin kainin namin. at good bye 75php... at pang miryenda at pang hapunan. Tinagalan namin ng isang oras ang pagkain para malasap kahit bawat sahog ng kinain. BUmalik kami sa toooot at muling ng trabaho.

Sa wakas! 5 pm! dissmisal na! ngpaalam na kami sa supervisor dun at umalis. Sa baba my naghihintay samin, kapatid ng kaklase ko, at savior ko sa maze ng makati. Nakauwi kmi ng maaga kasi need pa namin bumalik kinabukasan.

Kinabukasan: maayos naman ang pagpunta namin, ng bus nalang kami kaya ung dating 14+12+25 n ginastos namin papnta naging 19 pesos lang. Laking tipid, natuwa ako kasi makakapag tuhog p ako ng kwekwe. Ok naman ang buong araw, ng stay nalang kami sa building ng tooot kasi baka magpahatid pa kami sa pulis para lang makabalik.
Sa uwian nga lang nagkatalo, dahil wla na ung kapatid ng kaklase ko, 6:00 kami nakapag out, 7 kami nakasakay. Saan kami ng isang oras?Imagining nio nalang ang isang experimental rat na naghahanap ng keso sa isang maze. T_T

2 Usisero:

shelovesyou16(on twitter) said...

whaaaaaaaa
ahahahah ang habaaaaaaaaaaa
mukhang bumawi sa almost 2mos. na hindi pag-blog!!! ^_^ hihihi
nakakatuwa ka talga!!!
kulang na lang pati pag-hinga nyo ilagay mo ahahaha ^_^ nice! @ ang galing galing
mag-tagaloggggg ang lalim *clap ulet ^^
haii naku den den den
pag morning tlga asa pa kayooooooo
kung hindi kayo mkkpagsiksikan di kayo makakasakay, kailangan makipagsiksikan @ sumingit dahil baka abutin nga kayo ng 48 yrs. hihih
hmmmmmmmm na-curious 2loy ako dun sa *toooottt
hehe bulong mo nman saken!!! ^_^

pati si aling dionisia nand2 hihih
oi fave. ko din ang kwekwek kaya lang kasi ang 1itlog pugo=3 egg ng manok toinksssss
akalain mo un..
pero masarap eh!!! ahaha kaya go pa din lols ^^

wow nung 2nd day nakatipid na kayo ah...naks!manlibre ka naman!!! heheh

ayun hanggang sa muling pagkikita
di mo ba nakita ung new baby bunnies namin hihih
nanganak na c bunny!! awwww..teka ikaw ba ung may rabbit din? or c leon na frnd din ni keno ahaha nakalimutan ko na TT__TT

AkoSiDen said...

holy cow! haha ang haba rin ng comment ahh! haha thx ^^ nku nku hindi po ako ung me alagang bunny pusa lng meron kami heheh

Post a Comment