alas dose na ng umaga ng nagising ako,walang tao... Marahil kapatid ko nsa trabaho, ang isa nasa skwela, pati nanay ko wala malaman nasa palengke namimili ng paninda sa tindahan namin na nagiisang dahilan kung bakit meron pa kaming pangenroll at pangkain. Bumangon na ako sa kama, nagmumug dahil nag aamoi panis na kalawang na ang bibig ko. At syempre ng bukas ng PC, facebook, YM. Mamayamaya dumating na ang tatay ko, galing hospital nagbantay ng kapatid niya. Tinanong ko kamustah na si ninang?(ninang tawag ko sa tita ko kasi ninang siya ng kapatid ko). Sumagot ang tatay ko....
"wala na patay na..."
Natahimik nalang ako sabay click sa mouse. Nakakalungkot, aaminin ko, matindi ang sama ng loob ko sa kanya, pero hindi naman sa point na masasabi ko na "sana mamatay na siya".(Pero ung phrase na un ay inalaan ko sa mga tao na nsa kabilang kapitbahay namin, actually ang hiling ko para sa kanila eh "sana maghirap SILA ng husto,at dahan dahang mamatai sa sakit"(mabait pa ako sa lagay na yan kumpara sa ginawa nila)). Ka
Nakakalungkot kasi,kahit anong mangyari kapatid parin siya ng tatay ko.Nagalala rin ako, kaya pati siya napasama sa dasal ko,(although noon nlng ulit ako nagdasal muli). Pero wala rin, dumating ang umaga at nawala na rin siya.
Naisip ko, buti pa sina cory, kung tutuusin swerte na niya, milyon milyong tao ang nagdasal para sa kanya, para mabuhai kaya un hanggng ngayon buhai parin. Sa mantala sa tita ko, ako lang kaya Hindi siguro napansin. Swerte rin siya in a way na maypanggastos sila, kaya ngayon walang tigil ang pangggamutn. Sa tita ko kaso kinapos na yata ng dugo na ipapasa, wala na kasi kaming pangbili at ang mga tarandatong kapitbahay aun nagtago,(pati pautang ng simbahan tinago nila, pero itataya ko psp ko na sa pagdating ang burol, sila nanaman ang bida, kami ang nagpabaya, kami ang nangupit ng pera, sila.. naghirap.)
Ganun na ba dapat ngayon, dapat ba kilala ka at milyon ang taong magdarasal para sayo para umayos ang pakiramdam?. Dapat ba marami kang pera para mabayaran ang bawat inoorder sayo ng mga doctor. At dapat ba masama kang tao para matagal kang mamatai. Tama nga si ms Len, unfair talga ang buhai. Fighting spirit lang ang meron sa hindi sikat,walang pera at mabubuti. Nakakainis...
Kaya ninang, kung nasan ka man ngayon sana magbago ka na, wag kang mag alala kay AM, me may tatay pa naman siya para magalaga sa kanya...
tatay ipe, nanay ileng.... kayo na bahala kay ninang ah pagalitan niyo po siya.....
At sana sumunod na sa inyo ung nsa kabila.
St. Paul's Cathedral Lataa Elokuvia
4 years ago
2 Usisero:
Totoo to pre, sa totoo nga eh tingin ko hindi dasal ng milyong tao ang dahilan kaya buhay pa si Cory, Milyong pera siguro ibang klase nabibili noon. dagdag oras.
Condolence bro, nakakalungkot ang ganitong senaryo na paulit-ulit nangyayari sa pinas
salamat doood... totoo yan.. mukhang ang "himala" ngayon ay equal sa "pera" na, malas nlng.. kasama tayo dun sa mga "walang himala"
Post a Comment