9.23.2010

Limang taong Pinaka Aayaw Nating makasakay sa Jeep

9.23.2010

Matagal nang binigay to ng isang kaibigan as topic sa entry, kaso sobrng tinamad lang ako gawin. Ito na… ng survey ako sa facebook, kung ano ang PINAKA AYAW NILANG MAKATABI SA JEEP, ito ang resulta..

game...

5.)[Insert title here]

Normal na sa pangpasaherong jeepney ang maging punuan, lalo na sa terminal, hindi aalis kahit abutin nang end of the world hanggat hindi napupuno. At oras na umandar na ang inyong sinasakyan, Iisa na lang ang hinihintay ng mga pasahero sa isang sikipan na jeep, at un ay ang sana may bumaba. Mahaba ang biyahe,matagal bago may bumaba. “Ma sa kanto lang po”, sigaw ng pasahero, habang merong ngiti sa mga labi, dahil sa wakas, babalik na ang daloy ng dugo sa kanyang pwetan, at good news sayo kasi sa side mo ang umalis, at ang sobrang tagal mong tiniis ay nagdating na makakahinga na rin ang pwet mo (pasimple kasi baka may makaamoy). Pero, parang binasag ng martilyo at shotgun ang iyong pangarap dahil kahit may bumaba, tila parin parang gobyerno natin umalis nga ang lumang nakaupo, walang pinagbago, ang sikip parin ng kinauupuan mo. Nag masid ka at hinanap ang sanhi ng iyong pagdurusa, sanhi ng pagdighay na dapat ay iniutot mo. Nandoon pala ang salarin, sa dulo ng jeep,likod ni manong driver, todo bukaka, dalawang tao ang sakop, pati yata ang bayag niya ibinayad ng pamasahe.Ang nakaka badtrip doon at kinaiinisan ng lahat, eh kahit may magpara ng jeep at sumakay, hindi na magbabago ang upo nang bakaw na yun, kaya malas nalang ng sumakay, kalahati ng kalahati ng kalahati nalang ng pwet ang maiiupo. Naranasan ko na ang ganun, ako ung minalas na halos umupo na sa hangin dahil sa 3x3 nalang na space ang pwedeng upuan, at nung nakita ko nga si manong, ngalay ngalay kong gupitin ang bayag at ipakandong nalang sa kanya. Di ko lang ginawa, dahil ayoko ng gulo at wala akong baong gunting.

4.) [Insert title here]

Sa loob ng pang pasaherong sasakyan, normal na ang magpasahan ng bayad. Kaya, sa mga taong tamad na pumasok sa kalooblooban ng jeep at naupo nalang sa may likuran, malaking tulong ang cooperasyon ng ibang pasahero para maipasa ang syete mo sa driver. Pero siyempre, hindi parin mawawala ang mga patay ligaya, at isa sila sa kinaiinisan ng mga kapwa pasahero, Pwepwesto ka sa likuran ng jeep, magtataka ka.hindi mo alam kung, ikaw ba ang may problema dahil baka sleeping gas pala ang hininga mo, o siya na antukin lang talga, pero oras na umupo ka sa pwestong mas malayo sa driver kesa sa taong yun, bigla nalamang siyang aantukin, at mg lalagay ng earphone, kaya kahit mag concert ka pas alikod ng jeep kasama ang eraserheads, hindi parin matitinag dahil alam natin na mahirap parin gisingin ang nagtutulog tulugan at kausapin ang nagbibingibingihan. Kaya no choice ka ikaw nalang ang tatayo at magaabot ng jeep, nung sa akin nangyari yun, tumayo nalang at ako at nagbalance habang umaandar ang jeep para ako nalang mismo ang mag abot ng bayad pero gusto ko parin sa dulo ng jeep pumwesto kaya nung bumalik ako sa pwesto ko, natapakan ko kunyari ng hindi sinasadya ang paa nya. Sakto, naulan nun at pinaghalong putik at grasa ang nasa talampakan ng tsinelas ko habang naka tsinelas lang din siya, napansin ko na sumama ang tingin niya sakin kahit ng sorry ako dahil biglang ng bago ang bilis ng jeep, buti nalang may headset din ako at biglang inantok, at mas maagang bumaba sa kanya. Boaaahahahah REVENJ!!!!!

3.) [Insert title here]

Ito naman siguro kahit sino ayaw makatabi, lalo na kung trapic, tanghaling tapat, mainit ang temperatura, gutom na gutom dahil hindi ka na nakapag agahan. Kaya ,ang pakiramdam mo para kang ipis na inilagay sa loob ng mircrowave oven, mainit, kulob,naikot ang paligid at konti nalang ay sasabog na ang butong katawan.At habang nag durusa ka sa loob mobile impyerno. Bigla ka nalang mapapa-“nakanangshyet!” at mapapa flashback-in-black-n’-white kung namatay ka na ba talaga. Dahil sa naramdaman mong parang pakong isinalpak sa ilong mo, na gumuhit mula ilong at dumiretso sa utak.Syempre, sisimulan mo nang pagsisihan ang kasalanan mo, sa pag dukot sa pitaka ni tatay, sa hindi pagsunod kay nanay, at sa pagtapak ng paa sa isang pasahero sa jeep. Randam mo na ang parusa ni satanas, at pinadadaan niya ang kanyang parusa sa iyong ilong. At bago ka pa mahulog ng tuluyan sa halusinasyon mo. Doon mo lang mapapansin, si manong na nasa tabi mo pala kumapit sa estribo, basing basa ang kilikili…

2.)[Insert title here]

Hindi ko alam,pero marami rin sigurong mamamayan na malulungkot sa buhay, malamig na gabi, hindi pa nagkakasyota,at napapasobra sa porn. Mahirap nga naman ang buhay, kung aatupagin at pagkakagastusan pa nila ang mga bagay na magpapainit ng kanilang laman loob. Kahit yata ultimo yung pang “kape” lang kapalit ng “serbisyo” ng mga babaeng sumasalubong sayo sa cubao kapag madaling araw ay hindi pa nila afford, kaya ang iba sasakay nalang ng jeep, at sa halagang syete pesos meron na silang instant girlfriend for 10seconds. Sila ang ayaw mong makakatabi sa jeepney, lalo na kung babae ka. Sasakay ka ng jeep bilang single at magugulat ka nalang na “in a relationship” ka na kasi may makakatabi kang tulog kunyari at nakabagsak ang kanyang ulo sa iyong balikat, kunyari tulog na kapag biglang huminto ang jeep, ang “in a relationship” na status mo ay magiging “Married”. Kaya kung bababa ka na ng jeep feeling mo “widowed” ka na dahil parang binagsakan ka ng langit at lupa sa naranasan mo sa loob ng jeep.

1.) [Insert title here]

Ang susunod at ang pinaka aayawan ng lahat na makatabi sa isang jeepney.Dahil, kung ang estados unidos ay meron “FBI”, ang pinas ay may “NBI”, kung sila merong “CSI”, tayo meron “SOCO”, kung ang koreano ay may KPOP, aba meron din tayong PIPOP(di ko talaga alam kung ano tawag talaga sa kanila), Kung sa kanila merong Bigbrother at Survivor, tayo meron Pinoy Big brother at Survivor Philippines… ang mga hapon naman ay merong NINJA… aba meron din ang pinas, sila ang tinatawag na holdaper at snatchers. Oo, ang local at mas low budget na ninja ng pinas. Siguro kahit si Julio Valiente, mananakawan ng brief ng hindi niya alam, at si Nardong Putik? Naku.mapapatay yan ng isang bala, dahil hindi niya alam nasalisihan na pala ang kanyang agimat, na suot niya nung sumakay siya ng jeep.Kahit siguro si superman mapapatay dahil sa tetano gamit ang “Poison icepick”. Matindi kumariba ang mga local ninja, parang meron silang sariling master buten,sa galing . Star circle workshop sa galing umakting. Kanya kanyang style, depende sa galling mag tago at maging konbinsing

[Insert sub-title here]

Sila ang kung baga low level na Magnanakaw, hindi mo mapapansin maliban lang kung sobrang alerto ka. Ang gagawin lang nila ay dahan dahang tatabi sayo, kapag na-ispatan ka na may mamahaling cellphone magaling umakting, akala mo normal na pasahero lang pero, at kapag saktong nakahinto ang jeep, at nagrereply ka sa syota mo. Parang dandruff mong shinampoo ang cellphone mo…”now you see it now you don’t”

[Insert sub-title here]

Ito hindi mo malalaman hanggang sa paguwi mo, ang mga taong hindi lang kukunin ang cellphone mo, pauuwiin kapang butas ang bulsa mo. Slasher daw ang tawag sa ganun, Magaling sila tumirada, patago,parang pulis na nanhihingi ng kotong, hindi mo mararamdaman na , may pumupunit na pala ng imported from divi mong pantaloon.

[Insert sub-title here]

Mahina man ang kanilang pagtatago, pero babawi sila sa lebel ng kanilang acting.

Ito ang bigtime, malalakas ang loob. Mababa level ng stealth nila dahil nag iintroduction pa sila bago mag trabaho,sila ang nasigaw ng “HOLDAP TO”, oo, sa sobrang galling umakting, hindi mo alam kung tutuhanin nila ang pag lalagay ng gripo sa tagiliran mo, o bluff lang. Dahilan ng pagiging super convincing at bilang resulta, uuwi ka ng damit lang ang dala mo.

[Insert sub-title here]

Hindi ko na siguro idedescribe ito dahil mas sanay naman sila sumakay ng limousine kaya hindi nakakasakay ng jeep, Isinama ko lang kasi uri rin ng magnanakaw. Yung sa galing umacting, ikaw pa mismo ang pipili sa kanyang pagnakawan ka, at dahil sa barong nilang suot, ni hindi mo makikitang nayari kana pala.

Ibat ibang tao, ibat ibang ugali ang nakakatabi mo sa jeepney, Pero iisa ang patutunguhan, iisa ang direksyon, lahat pinoy.At kahit iisa ang pinang galingan, tayo tayo, na nasaloob ng isang jeepney, nagkakatalo. May mga pasaherong hindi marunong rumespeto sa kapwa, at kahit nakakasakit na ng damdamin ng katabi, patuloi niya parin gagawin ang alam niyang makakapagpaligaya sa kanya. Meron ding mga sakim sa pwesto, na hindi niiisip na sa pagdadamot niya ay meron ding nawawalan. Hindi rin mawawala ang pinaninindigan pa na kababayan si Juan Tamad, sarili lamang ang tinutulungan at nagbibingibingihan sa nangangailangan. Kaya may mga ibang pasahero, hindi pinalad, naiipit, nahihirapan, minsan kelangan nalang sumabit, at iba kahit pang bili ng sabon wala.

Pero kahit na ganun ang ibang nakakasakay mo sa jeepney, mas pipiliin ko parin sumakay doon, dahil kahit na may mga ganong uri ng tao, meron parin, mag aabout ng bayad mo, at kahit na masiraan ang makina ng jeep, meron paring bababa at tutulong magtulang para mapaandar ulit ang JEEPNEY..

0 Usisero:

Post a Comment