Tumunog ang aking alarm clock number 1 (aka digital wrist watch) ko ng 630 ng umaga, sinet ko yun dahil dati meron akong binabati ng isang magandang umaga bago pumasok. Masyadong maaga,at may sequel pa ang teleseryeng panaginip ko, ninja daw ako, na may magik, at kalaban zombies,kaya natulog ulit ako. Tumunog naman ang alarm clock number two ko(cellphone ko naman), ngayon sa standard na time 830, nag prapraktis kasi ako ng gumising nang maaga, para at least medyo mabawas bawasan ang kahihiyang dinudulot ko na bilang isang bum. Walang pakisama ang mutaing mata, ayaw mag mulat,feeling ko ako daw si terminator,sobrang bigat ng katawan,at ang kama.. malaking magnet,Pero hindi kinayang "morning weight" ang aking "will to wake up so early". At sawaka nanaig ang kabutihan, at tuluyan akong nakabangon. Tinignan ko ang oras, 10:30 na, anak ng teteng, dalawang oras na pala akong nagpipilit bumangon.
Specialty ko ang patatas, french friez, mash potato hash brown, kaya ko yan, kahit pang harang sa zombie ang patataas eh lalagyan ko pa ng gravey!. Pulido ang paghihiwa, ang isang dakot na patatas ay dahan dahang binabalatan, parang unang regalo ng kasintahan, nilalasap ang bawat balat na naaalis. Nung minsang minadali ko kasi, pati daliri ko natalupan,natrauma kaya ng slowmo nalang. Naluto ang french friez, at ang isat kalahating oras kong niluto ng buong puso, nawala ng isang nguyaan... at ang revelation.... gutom parin ako.
Ala una ng hapon, nakatanggap ako ng isang text, parang batang excited magbukas ng bagong pack ng teks o kya pog ang aking naramdaman. Akala ko trabaho, hindi pala, Isang kaibigan, nagyayaya magdivisoria. Yare, sira ang plano ko sa buong araw, gusto ko sanang ituloy ang ginagawa ko kahapon....mag isa, magmukmok, at lumipad sa mundo ng aking imahinasyon, na kung saan ako daw ay miserable at sawi sa pag ibig. Nag reply ako, "sige, ok na yun, kesa mag emo ako buong araw".
Katatapos na katatapos ko lang maligo nang tinawag ako ng tatay ko na nakabantay sa aming munting tindahan, may bisita daw. Nakabrief lang ako nung tinawag ako, syempre unang reaction ko mag madaling magbihis. Pero ayaw ko naman pahalatang excited akong masinagan ng araw, nagpakacool ako, chilax, pagkatapos ng limang sigundo bihis na ako at nasa pintuan na. Pero isang alaalang nag nakaw nang aking lakas na buksan ang pinto. Hindi pa ako nakikita ng aking mga bisita, kaya dahan dahan, umatras ako palayo sa pintuan. Wala akong pamasahe, pero kinalabit ako ng unang swerteng naranasan ko nitong araw ko, dahil habang dibdibang kong sinasaloob ang katotohanan pulube ako. Dumating ang akin inay, at pinamahagian ako ng munting salapi, at isang relihiyosong bracelet, oo nakornihan ako, baduy, panay beads. Pero yun na ang sigurong isa sa pinaka nagustuhan kong bigay ng nanay ko, bakit?... dahil pinakita niya, na meron din siya. Siya mismo nagsuot sa kamay ko saharap ng kaibigan ko... kahit medyo nahihiya ako sa munting palabas namin ng akin ina, inabot ko ang kamay ko at hinayan kong mag match ang bracelet namin sa kamay. At dahil cool guy ako, pabulong akong nagpasalamat sa aking inay, at ginawa ang cool guy's exit palabas ng bahay.
Bago lumakad, napagdesisyunan muna namin bumili ng mountain dew...with ice sa plastic... with straw. Hindi ko na sasabihin kung gaano kami kadalas uminom ng mountain dew, baka kasi pag tawanan niyo lang kami. Pero magbibigay ako ng hint.... kulay green na ihi ko.
Kwentuhan muna habang sumisipsip sa straw... at kahit naglalagkit na ang aming mga bituka ay sinusulit namin ang mountain dew. At and adventure sa divisoria, na posponed sa sabado at nauwi sa pag tagay ng Kalahating bote ng Gin, pamumulutan ng sisig, at hindi nalalamang pangalan ng pagkain, ang tawag namin "yung may century egg". Alas tress ng hapon, tumatagay kami habang nag lalaro ng xbox, at oo, hindi pumanig sakin ang swerte at hindi ako nananalo. Bihasa ang kalaro ko, pasmado, basa ang kamay, mas madulas sa controller kya mas mabilis pumindot. PAti nakikipanood sa pakikipagsapalaran ko sa pagkatalo, bumabanat. "Laging player one panalo ah".... at alam niyo na kung anong player ako.
Naubuos ang laman ng bote, at said ang sisig, pero ung may century egg, bawas lang. Alasingko palang, mahaba pa ang araw, kaya nakaisip kami ng productive na gagawin, at yun ay pumunta sa bahay ng isang barkada, at komopya ng Isang koreanovela, productive times two kasi cocopya rin kami ng magpapaproductive ng mga susunod na araw. At syempre hindi ko kaliligataan ang miryendang handong ng aming kaibigan, isang burger mula sa burger machine. At kahit puno na nang mountaing dew ang aking tsan, nilasap ko parin ang masarap na burger, may space pa naman sa baga, pwedeng dun ko muna ilagay ang nginuya ko. Pagkatapos mag meryenda, nag paalam na kami. At nag umpisa na kaming tahakin ang daan pauwi... mahaba ang lakaran, dapat alerto kung ayaw mong maexplore ang ilalim ng mga jeep. Pero tuloy parin ang kwentuhan. Siguro kung pwede lang i convert sa pera ang pag kwekwentuhan namin. Pulubi parin kami kasi tapon lang kami ng tapon ng kwento. At di namalayan ang kinse minutos na pag lalakad ay, nauwi na sa paalamanan. Nakarating ako ng bahai, dala ang hangover ng mountain dew. Tapos na ang adventure ko, balik nanaman ako sa tunay na buhai.... sa harap ng PC.
Nagluto ng masarap na hapunan si Inay, spaghetti, simple lang, walang meatballs, walang giniling, ang karne lang ay hotdog. Pero, daig si jabi o si mcdo sa lasa. Ang secreto? SECRET!. Basta masarap, merong trade mark ang nanay ko dun kaya kahit itabi siya sa luto ng iba, maiidentify ko parin!. at nung tinikman ko na ang kanyang hinanda, napacooking masterboy ako! nagflashback ang buhay ko mula pagkabata, at doon ko naisip, na Hindi lumipas ang July 24 na walang spaghetti ni inay. At dun... sa lasang yun... sa sauce... sa keso... at pasta... ang normal na martes sa ikatlong lingo ng hunyo. tumanda nanaman ako ng isang taon.... Hindi ko kailangan ng Engrandeng handaan, masarap na icecream, maraming bisita, parlor games, at mga bumabati sa facebook dahil langnkita nila ng birthday ko. Sa spaghetti lang ng nanay ko, ok na....
Inalis ko ang date ng birthday ko sa facebook ko, dahil gusto ko sana kung ma babati man eh dahil naalala nila, o dikaya, ng abalang sumilip sa wall ko, kahit papano gusto ko parin malaman kung existing parin ba ako sa mundong ito.. Kaya sa mga nakaalala... MARAMING SALAMAT!... at sa mga belated... hehhe tenkyu rin!.....
end....medyo antok n ako kaya next time ko nalang eedit
Piliin Ang Pilipinas
6 months ago