Tila isang panaginip para kay prokorpyo ng dumating sila ng kanyang princesa sa timogkakahuyan. Unang beses palang nakarating doon ng binata kaya ang princesa ang nagsilbeng tour guide.Naging masaya ang binata sa pagkat ang gabing un ay ang kanyang bulong sa mga tala,na makasama ang prinsesa. Ibig niya sanang hawakan ang kamay ng prinsesa. Kaya tulad ng pinangako ng binata, ay siya lamang ay sumabay sa paglalakad ng dalaga, upang maiparamdam man lang, na kahit walang kamay ang humahawak sa kanya, ay meron paring taong nasa tabi niya. Ibat ibang magagandang lugar ang pinapakita ng princesa, ngunit iisang kagandahan lang ang nakikita ng binata. Sa bawat ngiti na inaalai sa kanya ng dalaga ay walang ibang katumbas na kagandahan. Dahil sa ngiti lang na yon ay maari nang kumompleto ng kanyang buong mundo. Madilim ang langit, pero ang mga ilaw na nag mumula sa paligid na ti.......
Ok,gawa na rin ng sobrang busy ko sa pag iisip ng gagawin sa labing anim na oras kong pagtunganga sa bawat sulok ng ng bahay namin, naisipan kong i log in ang tila namayapa kong blog. Iniisa isa ko ang mga nasa drafts ko at merong iisang hindi ko natapos, un ay ang nasa taas. Medyo wierdo siya kaya babaguhin ko nalang ng style ng kwento, gagawin ko nalang 1st person ang kwento
Gabi na ng nakaalis kami sa aking munting kubo, at mag mamadaling araw na ng nakarating kami sa Timog Kakahuyan. Unang beses ko lang nakarating doon at ako ay parang batang nakakita ng periswheel sa sobrang tuwa. Pero naisip ko, hindi sa mga kumukutitap na liwanag mula sa mga matataas na gusali nanggagaling ang saya sa loob ng aking dibdib. Pero dahil nandoon ako nakatayo sa pwestong yun, nakasama ang taong hiniling ko sa mga bituin. At sa gabing yun, ipinahiram nila sa akin ang kailanman hindi ko nakuha. Inalis ko ang tingin ko sa mgandang tanawin sa harap ko, at dahan dahang bumaling sa babaeng nasa tabi ko. Tahimik na pinanood, habang pinapakilala nya sa akin ang lugar na noon ko lang natapakan. At aaminin ko, ni isa sa sinabi niya ay hindi ko naintindihan... dahil iisa lang ang tumatakbo sa utak ko, na sawakas sa huling dalawang oras ng gabing yun, bumalik sa akin ang aking prinsesa. Nwala ang "momment" ko ng inaya na niya akong mag lalakad, doon ko lang napansin na sa pag eemote ko na yun, sampung sigundo lang pala ang lumipas, di ko napansin nag islomo kasi. Ipinasyal na ako, sa loob ng mga gusali, at kung ano ang ikinaganda ng labas, ay doble sa loob, maliwanag, maraming nakasabit sa kisame na tila mga diamanteng ng bibigay liwanag sa mga taong ng dadaan. Kaso Hanggng tingin lang rin ako kasi mga mahaharlika ang mga nakakasalamuha ko. Natapos ang aming pag lalakad, ng makita namin ang isang punong maraming alitaptap, ang kanilang mga ilaw ay tila nag sasayaw, at nagbibigay buhai sa isang simpleng puno. Huminto kami sandali doon para panoorin ang ganda na nasilayan. Pero hindi niya alam na hindi ko na kailangan tignan ang puno para lang masabi na nakita ko na ang tunay na kagandahan. At habang nalilibang siya sa ilaw na naghahabulan. Dahan dahan akong tumingin sa kanya, at pinanood ang nagiisang gusto kong makita sa gabing yoon. Ang kanyang ngiting nagpapagaan ng aking mabigat na nararamdaman, ang mga matang hinuhuli ang kumikislap na kulay. Nanahimik ang aking mundo, huminto ang mga tao, nawala ang mga ilaw, at ang tanging nakikita ko laman sa oras na yun ay ang babaeng nasa harap ko. Gusto kong hawakan ang kanyang kamay, gusto kong yakapin ng mahigpit at sabihin na sana hindi matapos ang gabing ito. Pero muling umandar ang oras, ng nakinig ko ang isang malakas na tugtugin. At doon, narinig ng bituin ang aking hiling. Ang kamay kong nilalamig sa simoy ng hangin ay nakaramdam ng isang mainit na haplos, haplos na matagal ko nang nais maramdaman muli, pero malakas mang asar ang langit, dahil kung kelan ko kailangan bumagal ang oras. Doon naman naging mabilis, hindi ko namalayan na bumibitaw na siya. Pinilit kong pigilan ang paglayo ng kanyang palad sa akin, ngunit ang kamay na yoon ay hindi sa akin, hindi ako ang nais niyang hawakan. Kaya hinayaan ko nalang na matapos ang panandaliang ilusyon na naranasan. Hindi ko namalayan na wala na kami sa tabi ng puno, sa harap ay nag sasayawang tubig, na tila mga diwatang nagbibigay ng aliw sa mga taong nanonood. At kahit bihira makakita ng ganong kagandahan. Pilit ko na bumabalik sa oras, oras na madaling lumipas. nahawak ko ang kamay niya.
Limitado ang gabi, at ang prinsesa ay dapat ng bumalik sa kaharian. At habang nakasakay na kami sa karwahe pauwi, tahimik siya lang siyang nakadungaw at nanonood sa mga nadaraanan. At ako namay nakasakay nga sa karwahe pero ang isip ay naiwan sa takbo ng oras. PIlit inaalala ang lumipas na. At ang masakit panoon, habang lumalayo ang karwahe sa aming pinang galingan at habang lumalapit sa pupuntahan, alam ko na ang panaginip na yoon ay malapit na ring mag wakas. Alam kong malapit na akong gumising, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at hindi bibitawan para kahit matapos ang panaginip ay makikita ko parin siya sa aking pag mulat.Pero bago ko gawin ang aking naisin, may bagay na sumagi sa isip ko.... "hindi ikaw ang nais niyang kasama... hindi ikaw ang gusto niang makita... hindi ikaw ang gusto niang yumakap sa kanya..." Nag dilim na ang paligid, siya nalang ang nasaharap ko, at dahan dahang lumalayo, at nawawala sa dagat ng kadiliman.Pero sa halip na isang dramang kanta ang maging background music.. *tooooot....tooooooot.....toooooot*.. tunog ng alarm clock ang naging opening song ko realidad
St. Paul's Cathedral Lataa Elokuvia
4 years ago