8.19.2012

Olivia...

8.19.2012
Hindi nakalusot ang sabado, sa sobrang kasipagan ni Olivia, hindi biro ang pagiging guro. Isang linggong nagbibigay kaalaman sa kanyang estudyane. Pero ang trabaho niya ay parang boteng mountain dew, na ibubuhos at paghahatihatiin ng kanyang mga alaga. At ang matitira sa bote na dapat ay kanya... wala.. ung amoy lang. At ang natirang amoy na yun ay ang kanyang day off. Pero matindi si Olivia, pinaglihi yata sa lata. Kasi parang robot na hindi na napapagod.. pero naglolobat. Maaga siyang gumising para pumasok sa review. Kailangan maaga...early bird, una dahil syempre gusto niyang pumasa, pangalawa... dahil nagbayad siya... at ang panghuli kailangan niya ng magandang pwesto sa loob ng classroom. Dapat sa likod, tamang lamig tamang init, tamang liwanag, at tamang line off sight ng trainer. Magandang spot para umidlip. Idlip lang ang ginagawa ni Olivia, pahinga ng mata ng 15 minutes, mumulat ng limang minuto, at muling pipikit. Wala siya sa sariling bahay nakakahiya nga naman kung makikitulog dun. Matapos ang patagong pagpapahinga ni Olivia, ay mag uumpisa siyang makinig na sa Lecturer, susulat sa kwaderno makikinig, kakausapin ang katabi at titingin sa cellphone. Sumimangot si olivia matapos niyang silipin ang kanyang "historical" na cellphone,yun kasi ang sa history na unang polyphonic. Nadismaya, akala niya 30 minutes siyang napaidlip... limang minuto lang pala. at nalungkot dahil, hindi parin nagtetext ang kanyang "mahal" ang tunay na iniibig, ang nag iisang taong laman ng kanyang puso. "ano na kaya ang ginagawa niya", "kamusta na kaya siya". Paulit ulit na tinatanong niya sa kanyang sarili,nais sanag sumagot ng kanyang katawan na "eto pagod lagi ka kasing puyat eh" pero nahiya, hindi naman kasi si katawan ang kinakamusta ni Olivia.Nag iimagine kung ano ang ginagawa ng iniirog, habang paulit ulit na chinecheck ang kanyang cellphone.Ngunit wala, Sayang ang load, na pang reply sana sa sinisinta. Sandali nalang mag eexpire na, at dala na rin nang antok at pagkainip.... iba nalang muna ang kanyang tinext. Dahil kahit sina robocop, kailangan gumamit ng emergency battery kung sakaling low bat ang kanyang Main-power-supply. Natapos ang claseng, hindi nagpaparamdam. Oo nalibang siya pero ung kulang ay hindi parin napuputnan.
Ibang klaseng babae si Olivia, rare...parang diamante sa gitna ng mga bato, parang taeng nahalo sa ipot. Di siya gaya ng ibang kaklase niya, na pagkareview, uwi agad para mag aral! o kayat matulog, or gumimik... Si Olivia, dumeretso sa sementeryo. Naalala niyang nabanggit ng kanyang sinisinta, na nais niyang madalaw ang puntod ng kanyang mga magulang. Nalimutan nang tuluyan ni Olivia tunay na spirito ng dayoff, dahil ang nalalabing oras nasiya ay hindi robot ay ginamit niya para dumayo pa sa malayo. Para gawin ang nais gawin ng kanyang sinisinta....Gloomy ang lugar, walang kabuhay buhay, patay. Kaya nakaramdam ng pagkaungkot si Olivia at nag umpisang maglabas ng kanyang loob,ibat ibang frustrations na nais niyang iparating sa kanyang mahal. Na sinasagot naman ng hanging tumatama sa kanyang mukha at nag papahid ng kanyang luha....... Nahino ang kanyang "emo momments", nang kumalam ang kanyang tsan... pero dahil puso parin ang bossing, naisipan niya munang ibili ang ng cake ang inay ng kanyang kasintahan, Birthday kasi.... 
at sa wakas, sa unang pag kakataon ngayon araw na to..... sarili na niya ang kanyang pinagbigyan. At enenjoy ang pag kain sa isang fast food lane, hindi ko na sasabihin kung ano,basta kaaway ng bubuyog. Matapos magpakabusog at lamnan ang maladrum na tsan, at tinahak na niya pauwi. Kaskasero si manong driver, hindi pwedeng hindi ka kakapit sa estribo dahil ramdam na ramdam mo ang law ng physics. Pero matindi si Olivia, nagawa pang makapag text, kahit na nasa mumurahing roller coaster ride siya. Malakas ang loob na hindi siya tatalsik kung sakaling biglang preno, confident sa weight *evilgrin*
Sawakas, nakauwi na si Olivia, pero hindi dahilan para mag pahinga. Hindi pa tapos ang araw niya, ni hindi pa nga ng uumpisa.Dahil sa halip na sa pangangalaga ng unan dumiretso ay bumiglang liko sa harap ng kanyang computer, nasunod nanaman ang puso.At muli nanamang bumalik sa kanyang fairy tail sa sarili niyang love story hindi na siya robot.Si Olivia ay naging ganap na prinsesa at kasama ang kanyang prinsipeng, buong araw na ninanais makausap. At tulad ng mga storya ng Disney, naging magical din ang gabi ni Olivia, ang kanyang naramdaman ay nagawang pahintuin ang oras,permanenteng naging invisible at LAHAT ng tao. At ang mundo... ang kasalukuyan.....at ang hinaharap... ay sa kanila lamang ngyong gabi....




Palala:walang tsismis.... ito ay hindi hango sa tunay na buhai....

7.31.2012

Hulyo bente katro

7.31.2012
 Tumunog ang aking alarm clock number 1 (aka digital wrist watch) ko ng 630 ng umaga, sinet ko yun dahil dati meron akong binabati ng isang magandang umaga bago pumasok. Masyadong maaga,at may sequel pa ang teleseryeng panaginip ko, ninja daw ako, na may magik, at kalaban zombies,kaya natulog ulit ako. Tumunog naman ang alarm clock number two ko(cellphone ko naman), ngayon sa standard na time 830, nag prapraktis kasi ako ng gumising nang maaga, para at least medyo mabawas bawasan ang kahihiyang dinudulot ko na bilang isang bum. Walang pakisama ang mutaing mata, ayaw mag mulat,feeling ko ako daw si terminator,sobrang bigat ng katawan,at ang kama.. malaking magnet,Pero hindi kinayang "morning weight" ang aking "will to wake up so early". At sawaka nanaig ang kabutihan, at tuluyan akong nakabangon. Tinignan ko ang oras, 10:30 na, anak ng teteng, dalawang oras na pala akong nagpipilit bumangon.

          Specialty ko ang patatas, french friez, mash potato hash brown, kaya ko yan, kahit pang harang sa zombie ang patataas eh lalagyan ko pa ng gravey!. Pulido ang paghihiwa, ang isang dakot na patatas ay dahan dahang binabalatan, parang unang regalo ng kasintahan, nilalasap ang bawat balat na naaalis. Nung minsang minadali ko kasi, pati daliri ko natalupan,natrauma kaya ng slowmo nalang. Naluto ang french friez, at ang isat kalahating oras kong niluto ng buong puso, nawala ng isang nguyaan... at ang revelation.... gutom parin ako.

     Ala una ng hapon, nakatanggap ako ng isang text, parang batang excited magbukas ng bagong pack ng teks o kya pog ang aking naramdaman. Akala ko trabaho, hindi pala, Isang kaibigan, nagyayaya magdivisoria. Yare, sira ang plano ko sa buong araw, gusto ko sanang ituloy ang ginagawa ko kahapon....mag isa, magmukmok, at lumipad sa mundo ng aking imahinasyon, na kung saan ako daw ay miserable at sawi sa pag ibig. Nag reply ako, "sige, ok na yun, kesa mag emo ako buong araw".

    Katatapos na katatapos ko lang maligo nang tinawag ako ng tatay ko na nakabantay sa aming munting tindahan, may bisita daw. Nakabrief lang ako nung tinawag ako, syempre unang reaction ko mag madaling magbihis. Pero ayaw ko naman pahalatang excited akong masinagan ng araw, nagpakacool ako, chilax, pagkatapos ng limang sigundo bihis na ako at nasa pintuan na. Pero isang alaalang nag nakaw nang aking lakas na buksan ang pinto. Hindi pa  ako nakikita ng aking mga bisita, kaya dahan dahan, umatras ako palayo sa pintuan. Wala akong pamasahe, pero kinalabit ako ng unang swerteng naranasan ko nitong araw ko, dahil habang dibdibang kong sinasaloob ang katotohanan pulube ako. Dumating ang akin inay, at pinamahagian ako ng munting salapi, at isang relihiyosong bracelet, oo nakornihan ako, baduy, panay beads. Pero yun na ang sigurong isa sa pinaka nagustuhan kong bigay ng nanay ko, bakit?... dahil pinakita niya, na meron din siya. Siya mismo nagsuot sa kamay ko saharap ng kaibigan ko... kahit medyo nahihiya ako sa munting palabas namin ng akin ina, inabot ko ang kamay ko at hinayan kong mag match ang bracelet namin sa kamay. At dahil cool guy ako, pabulong akong nagpasalamat sa aking inay, at ginawa ang cool guy's exit palabas ng bahay.

        Bago lumakad, napagdesisyunan muna namin bumili ng mountain dew...with ice sa plastic... with straw. Hindi ko na sasabihin kung gaano kami kadalas uminom ng mountain dew, baka kasi pag tawanan niyo lang kami. Pero magbibigay ako ng hint.... kulay green na ihi ko.
Kwentuhan muna habang sumisipsip sa straw... at kahit naglalagkit na ang aming mga bituka ay sinusulit namin ang mountain dew. At and adventure sa divisoria, na posponed sa sabado at nauwi sa pag tagay ng Kalahating bote ng Gin, pamumulutan ng sisig, at hindi nalalamang pangalan ng pagkain, ang tawag namin "yung may century egg". Alas tress ng hapon, tumatagay kami habang nag lalaro ng xbox, at oo, hindi pumanig sakin ang swerte at hindi ako nananalo. Bihasa ang kalaro ko, pasmado, basa ang kamay, mas madulas sa controller kya mas mabilis pumindot. PAti nakikipanood sa pakikipagsapalaran ko sa pagkatalo, bumabanat. "Laging player one panalo ah".... at alam niyo na kung anong player ako.

Naubuos ang laman ng bote, at said ang sisig, pero ung may century egg, bawas lang. Alasingko palang, mahaba pa ang araw, kaya nakaisip kami ng productive na gagawin, at yun ay pumunta sa bahay ng isang barkada, at komopya ng Isang koreanovela, productive times two kasi cocopya rin kami ng magpapaproductive ng mga susunod na araw. At syempre hindi ko kaliligataan ang miryendang handong ng aming kaibigan, isang burger mula sa burger machine. At kahit puno na nang mountaing dew ang aking tsan, nilasap ko parin ang masarap na burger, may space pa naman sa baga, pwedeng dun ko muna ilagay ang nginuya ko. Pagkatapos mag meryenda, nag paalam na kami. At nag umpisa na kaming tahakin ang daan pauwi... mahaba ang lakaran, dapat alerto kung ayaw mong maexplore ang ilalim ng mga jeep. Pero tuloy parin ang kwentuhan. Siguro kung pwede lang i convert sa pera ang pag kwekwentuhan namin. Pulubi parin kami kasi tapon lang kami ng tapon ng kwento. At di namalayan ang kinse minutos na pag lalakad ay, nauwi na sa paalamanan. Nakarating ako ng bahai, dala ang hangover ng mountain dew. Tapos na ang adventure ko, balik nanaman ako sa tunay na buhai.... sa harap ng PC.

              Nagluto ng masarap na hapunan si Inay, spaghetti, simple lang, walang meatballs, walang giniling, ang karne lang ay hotdog. Pero, daig si jabi o si mcdo sa lasa. Ang secreto? SECRET!.  Basta masarap, merong trade mark ang nanay ko dun kaya kahit itabi siya sa luto ng iba, maiidentify ko parin!. at nung tinikman ko na ang kanyang hinanda, napacooking masterboy ako! nagflashback ang buhay ko mula pagkabata, at doon ko naisip, na Hindi lumipas ang July 24 na walang spaghetti ni inay. At dun... sa lasang yun... sa sauce... sa keso... at pasta... ang normal na martes sa ikatlong lingo ng hunyo. tumanda nanaman ako ng isang taon.... Hindi ko kailangan ng Engrandeng handaan, masarap na icecream, maraming bisita, parlor games, at mga bumabati sa facebook dahil langnkita nila ng birthday ko. Sa spaghetti lang ng nanay ko, ok na....

         Inalis ko ang date ng birthday ko sa facebook ko, dahil gusto ko sana kung ma babati man eh dahil naalala nila, o dikaya, ng abalang sumilip sa wall ko, kahit papano gusto ko parin malaman kung existing parin ba ako sa mundong ito.. Kaya sa mga nakaalala... MARAMING SALAMAT!... at sa mga belated... hehhe tenkyu rin!.....

end....medyo antok n ako kaya next time ko nalang eedit